Congenital Heart Disease ( Ventricular Septal Defect and Atrial Septal Defect)

Hi mga mi! Meron po bang same case sakin dito? Ganto yung result ng Fetal 2D Echo ko. Currently 37 weeks pregnant. Help mga mi, baka may ma advice kayo or same case sakin na lumabas ng normal si baby. tska yung sa pulmonary artery pressure, baka may makakapag explain po. thank you so much. #advicepls #pleasehelp

Congenital Heart Disease ( Ventricular Septal Defect and Atrial Septal Defect)
6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

VSD/ASD may butas po sa chamber ng puso ni baby (complications depends how large yung butas, if maliit kaya pa sa medications or it will close on its own sa first 2yrs ni baby kailangan lang ng proper care and nutritions, if sobrang laki ng butas need ng surgical intervention kasi magmimix po yung oxygenated and non-oxygenated blood mahihirapan both heart and lungs, mahihirapan din po siya in terms of nutrition kaya most babies are stunted or slow yung growth) Pulmonary artery ito po yung ugat na nagconnect from heart to lungs, ito po yung ugat na nagdadala ng dugo galing sa heart papunta lungs (wala pang oxygen so dadalhin sa lungs to process). Dahil nga may septal defect siya nag mimix yung oxygenated at de-oxygenated blood so mgcocompensate yung ugat kaya mataas ang pressure in pulmonary artery (hindi ako sure ano ang normal values/range pulmonary arterial pressure in fetus) Hope this helps.

Magbasa pa
2y ago

Thank you so much po!! ❤️

ganyan rin po sa bby ko mi may VSD rin nung nagpa CAS ako. sobrang stress ko nun kasi natatakot ako.. ngpa fetal echo para sure sabi nang cardiologist normal nmn daw.pero yung ob ko nag request parin ng 2d echo after ko maipangank if my murmur sa heart..Inadvaysan ako ng pedia at ob na wag ma stress pray lang daw na paglabas ni bby mawala yung vsd maraming cases nmn daw na mawawala rin yun pag naipanganak na ang bby..ngayon mi turning 6monyhs na bby ko sa awa ng diyos healthy po sya 🙏

Magbasa pa

sa info sa comments ung about jan. expect that ur baby will experience ung hirap huminga or malalim ang hinga. immunocompromised so be vigilant sa dirty surrounding and sa mga may flu like. pray na magclose ng kusa at hindi na lumaki. make it a habit na isang cardio pedia lng ang kukunsultahin at di paibaiba para maiwasan mamix ung antibiotics if ever meron. mahabang buto o pangangatawan at payat na katawan. sakit to ng mayayaman kaya be prepared. mahal ang gamutan

Magbasa pa
2y ago

add ko lng na wala pong masasabi na reason kung bakit nagkaron ng ganto. whether genetic or not. di din nila yan alam

ventricular/atrial septal defect na nakita. yan yung naghahati sa atrium at ventricles sa puso .better na ipaexplain nyo po sa Dr nyo. mahiroa magexplain kasi sa ganito..

OB lang makaka pag explain sayo nyan ng accurately.. i ready mo na mga itatanong mo sakanya para mas maintindihan mo. try mo na din ma research sa google about those..

Praying for you, Mii 🙏🏻

2y ago

Thank you so much po. 🥹🤍