Mix feeding. Minsan mas gusto breastfeed kesa bottle

Hi mga mi. Meron ba kayo mga babies na mixed feed since birth tapos may times mas gusto ni baby breast kesa bottle? Four months na si baby abd ever since mixed fed kasi wala talaga ako milk nung first week niya. Sobrang iyak na si baby nun sa gutom kaya no choice na din ako. Ngayon naging schedule na niya na bottle feed sa araw then breastfeed sa gabi, para di ko na rin need bumangon para mag timpa ng milk. Parang nasanay na si baby na ganon. Yung di na siya talaga tumatanggap ng bote pag gabi na pero as soon as breastfeed ko, tuloy tuloy na gang makatulog. Kaso eto lately, kahit sa hapon ayaw na ng bote. Dedede lang mga 1 or 2 ounces tas aayaw na and iiyak ng iiyak until padedehin ko sakin. May ganito din ba sa inyo? Baka kasi eventually mas gustuhin niya breastfeed.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ako po mixed den 4moz na c baby, same naman po nya gsto, pero my time na gsto nya bote ayaw nya skn, my time den po na gsto nya skn at ayaw nya sa bote. Try nyo po kyo palitan tsupon ng bote nya

9mo ago

Hala oo nga baka need ko nga palitan yung tsupon. Thank you mi!!! Di ko naisip ‘to.

kami, we give formula every 4hours kahit nasa bahay nako from work. para routine nia. ang breastmilk ay in-between ng formula, pampatulog at dreamfeeding.