Breastfeeding or formula?

Mga mi mali ba na hanggang ngayon breastfeeding padin si baby ko. Kaka 1year old nya lang ngayon araw. Nastress kasi ako na parang ako pa may kasalanan bakit pumayat ang baby ko. 2.8kg nung pinanganak ko si baby tumaba sya agad gawa ng breastfeeding tapos mula 10 months hanggang ngayon nawala pagiging mataba nya. Ako sinisisi nila kasi dapat daw nagformula nalang daw ako, 6months lang daw dapat ang breastfeeding. Kaya daw pumayat kasi wala na daw nutrients ang gatas ko at hindi na sapat sa baby ko. Kumakain din ng solid food si baby 3times a day. 1year old na sya now, 10.1kg ang weight nya. Happy baby naman sya, healthy at hindi sakitin. Sadyang pansinin lang pagpayat nya kasi talagang mataba sya nung 2months - 9months old. First time mom. 😞

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

yes mhie..don't feel guilty kung pumayat si baby..di mo po kasalanan yan..iba't iba ang paraan ng paglaki ng bata..remember "Healthy babies comes in different sizes"..hndi porket mataba is healthy na at hndi rin porket payat is malnourish na..depende po yan sa katawan ni baby kung paano niya inaadopt yung nutrients na nkukuha nia sa mga kinakain nia

Magbasa pa