BINAT OR NORMAL NA PAGOD LANG??
Hello mga mi. Kakapanganak ko lang last February 29. After 4 days nilagnat ng mataas baby ko at naconfine sa hospital for 20 days, meningitis ang findings ng doctors. Since meningitis daw yung sakit ni baby bawal visitors, kami lang dalawa ng asawa ko nagbantay sakanya the whole 20 days. 4 days palang after birth nun kaya yung katawan ko at yung kiffy ko sobrang sakit pa pero kinaya naman the whole 20 days. Ngayon 1 month na si baby, kalalabas lang halos ng hospital bumalik na sa work yung asawa ko tapos ako nalang madalas naga-alaga kay baby. Yung katawan ko mga mi parang bibigay na. Madalas ako magka-headache tapos yung likod ko sobrang sakit, buong katawan ko actually to the point na para kong lalagnatin sa sakit. Nabinat ba ako? kasi sobrang uncomfortable na minsan naiiyak nalang ako kasi parang pagod na pagod katawan ko pero di ko mapigilan di kumilos like maglinis, etc. 2nd baby ko pala to mga mi. Iba yung pagod ng katawan ko ngayon parang bibigay na.