Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
26F ¦ MOM OF 2
LUNGAD/PAGSUSUKA EVERY AFTER FEEDING
1 month S26 Gold HA Lungad/Pagsusuka Hello po. Need help/advise po sana. Yung baby ko kasi nakailang palit na kami ng gatas. Nagtry kami Enfamil Gentlease/Bonna/Nan Optipro before kasi sobrang dami nyang rashes kaya nagtry kami Gentlease, kaso sobrang konti nya dumede as in minsan 1oz lang talaga. Kaya nagtry kami S26 Gold HA malakas sya dumede kaso grabe po sya maglungad every after feed as in parang nilulungad or sinusuka nya lang din dinidede nya. :( Does that mean po na hindi rin sya hiyang sa S26 Gold HA? Any recommendations po or advise? Reclined po sya every feeding, pinapaburp din po lagi 15mins or more after ng feeding di rin namin sya hinihiga hanggat di nagbburp pero grabe parin lungad nya talaga.
BINAT OR NORMAL NA PAGOD LANG??
Hello mga mi. Kakapanganak ko lang last February 29. After 4 days nilagnat ng mataas baby ko at naconfine sa hospital for 20 days, meningitis ang findings ng doctors. Since meningitis daw yung sakit ni baby bawal visitors, kami lang dalawa ng asawa ko nagbantay sakanya the whole 20 days. 4 days palang after birth nun kaya yung katawan ko at yung kiffy ko sobrang sakit pa pero kinaya naman the whole 20 days. Ngayon 1 month na si baby, kalalabas lang halos ng hospital bumalik na sa work yung asawa ko tapos ako nalang madalas naga-alaga kay baby. Yung katawan ko mga mi parang bibigay na. Madalas ako magka-headache tapos yung likod ko sobrang sakit, buong katawan ko actually to the point na para kong lalagnatin sa sakit. Nabinat ba ako? kasi sobrang uncomfortable na minsan naiiyak nalang ako kasi parang pagod na pagod katawan ko pero di ko mapigilan di kumilos like maglinis, etc. 2nd baby ko pala to mga mi. Iba yung pagod ng katawan ko ngayon parang bibigay na.