SEXY GIRL SS NI HUBBY
Hello mga mi. I feel so down π’ kahapon lang nakita ko sa phone ni hubby na may ss siya ng foreigner sexy girl sa feed ng IG, naka two piece na halos labas kaluluwa. Hindi ko alam kung valid ba na ang sama ng loob ko't pakiramdam ko hindi na ako sapat, hindi na sapat dahil hindi na tulad ng dati yung katawan ko ngayon, lalo ngayon na preggy ako sa 2nd baby namin. Nasasaktan ako kasi pakiramdam ko kulang na ako. First time niya ginawa to at wala nman siyang history ng cheating. Hindi ko alam kung nadala lang ba siya o ano e sexually active nman kami π’ tinanong ko siya bakit niya ini ss sagot lang niya, lalaki pa rin nman siya nkakaramdam ang akin lang, kailangan ba iscreenshot yun? Okay lang sana kung hanggang tingin lang e. Ewan ko ba, I feel cheated at pakiramdam ko nandidiri ako sa ginawa niya. Nawawalan ako ng gana. Hindi ko nman kaya itanong sa kanya kung hindi na ba ako sapat dahil wala akong lakas ng loob π’ Haaaayyy. Anyway, salamat mga mommy. Gusto ko lang talaga mkakausap o mailabas to kasi ang bigat sa pakiramdam πππ Iiyak ko na lang hanggang makatulog. π #bantusharing #pregnancy #advicepls