4 days old na may halak
Hello mga mi. Hindi ko alam kung praning lang ako pero palagi kong pinanonood at pinakikinggan si baby kapag matutulog siya. Masarap ang tulog niya at sagana naman dumede ang kaso lang ay may halak siya. Bilang lang sa isang kamay kung ilang beses ko siyang narinig magburp at hindi pa ako yung nakagawa non. Natatakot ako mga mi kasi di ko nga siya napapaburp, sinusubukan ko naman pero pumapalag kasi siya. Isa pa na nakakatakot yung baka mali na pala ang hawak ko sakanya at mabalian siya. Ilang position na rin ang mga sinubukan ko para mapaburp siya pero wala talaga. At dahil hindi pa totally healed ang tahi ko kaya madalas naka side lying position ko siya padedein tapos elevated ang ulo niya, nakaside buong katawan niya sa katawan ko at may alalay na nakarolyong tela sa likod niya. Pa-help naman mi on what to do kasi nababahala ako baka may mali na ko nagagawa. Ftm here pls don't judge po. Tia!