Any tips mommies? 🥲

Hi mga mi, ftm with 1 lo 5months old, di ko alam kung postpartum ba ito or sobrang pagod lang sa araw araw. Madaling araw ako nagising magluto breakfast ni hubby tapos non di na ko matutulog dahil sa dami ng gawaing bahay + side lines ko at ang pahinga ko lang magpa breastfeed kay baby. Di na ata natalab ang kape sakin mga mi, ano po tips nyo para maging energetic kau? Nag tatake po ako ng vitamins, ewan ko kung ppd ba to or nakakapagod lang tlga mga gnagawa ko sa araw araw, bawal naman ako uminom ng energy drink mas lalong bawal magpahinga dahil tengga lahat ng gawain pag nagpahinga ako 😪 #1stimemom #advicepls #pleasehelp

Any tips mommies? 🥲
6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Agree ako sa isang nagcomment na si hubby mo nlng magluto for himself kahit minsan. Well kasi yung hubby ko dati, baby pa namin is yung sinundan ni bunso, working siya nun sa Ayala kaya siya mismo kumikilos sa umaga para makatulog pa ko ng konting oras. Asikaso niya sarili niya pati pagluto ng breakfast niya at nung 2 kids namin na elementary, kasama na sa luto yung babaunin niya. Tapos gigisingin na lang ako kapag paalis na siya. Ako naman bawi ako ng pagluluto sa lunch namin ng kids at mas lalo na ang luto ko kapag gabi kasi sabay sabay kami kumain pagdating ni hubby. Tulungan lang kayo momshie kasi need din natin ng pahinga.

Magbasa pa