21 WEEKS LESS BABY MOVEMENT
Hi mga mi. FTM, 21 weeks na po ako now, lately parang di ko po nararamdaman si baby. Yung pintig or pitik, nararamdaman ko po before sa bandang puson ko tuwing hapon. Ngayon kasi parang nag lessen sya. And hindi rin po consistent yung pintig/pitik. May days na marami, may days na konti lang, meron ding totally walang movement. Nagtry na po ako kumain ng matamis, uminom ng malamig, flashlight sa tyan, magpatugtog, at himas himasin tyan ko pero ang response lang nya is mga isa or dalawang pitik na sobrang faint lang. Sobrang nakaka paranoid po kasi, 5pm pa po ang uwi ng partner ko tapos yung OB hanggang 6 lang. Di po ako maka commute kasi malayo yung hospital baka matagtag ako. If di po kayanin pacheck ngayon baka tomorrow po pero I just want to hear your thoughts or baka may same situation sakin and normal naman? Please help me naman po, di ko kasi sure kung normal ba since maliit pa sya or emergency case na po. (BTW, Last checkup ko po May 31 okay naman daw lahat 142bpm heartbeat ni baby, kakapa labtests ko lang din wala naman po ako UTI or pre eclampsia. Anterior placenta din po ako, and not sure if may kinalaman yun kaya d ko sya masyado maramdaman). TYIA