Left side lying position pag matutulog.

Mga mi, dapat ba ipagpatuloy ang leftside lying, sumasakit kasi yung puson ko pag nagtagal sa ganoong position. (Medyo naninigas ang puson, na parang nagcocompress). Nagigising nalang po ako sa madaling araw dahil masakit. And feeling ko hindi comfortable si baby unlike pag nakaharap sa right side. Sa right side kasi walang pressure sa gawing puson, paninigas etc. 21 weeks na po. Ps with love, Hindi po dahil sa nangangawit ako pag left side, kaya ako nagtatanong. Kaya ko pong tiisin ang pangangawit ng balakang, leg cramps etc. ☺️ Worried lang po dahil bandang puson ang sumasakit o nagkaka pressure. Thank you po sa sagot. ☺️

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

May times na nafefeel ko din po naninigas konti puson ko pero si baby po yun nagsstretch daw according to my ob. Mas may space daw po kasi ang baby pag naka-left sidelying tayo and mas maganda position na yun talaga for both the baby and mom. Try niyo na lang po makahanap ng comfy na pillow for your legs and dagdag na pillow supporting your head and back. 🥰 Pag right sidelying po kasi mas prone daw po maipit yung Vena Cava. Kaya di po siya advisable.

Magbasa pa
2y ago

eto yung eksaktong sinabi sakin ng OB ko