What’s in my BREASTMILK?

Hello mga mi. Ask lang po kung meron dito same ng situation ko and ng 2nd baby ko. He’s going 1month pa lang sa 25. EBF kame since birth kaso napansin ko everytime nag dedede sya lagi sya kinakabag. Lagi yon as in then dalas niya mag poop. Inaabot 5x or more a day. Normal paba yon? And also palagi sya nag lulungad though napapa burf namen sya everytime then yun mag start na sya umiyak tas kabag nanaman. Everytime din na mag feed sya para bang nalulunod sya, tas nahihirapan sya huminga gang bibilis na. Naninibago ako kse dko naexperience yon sa 1st born ko. Ngayon sakanya parang ang hustle ng BF JOURNEY ko kase i think may something wrong talaga. Kahit pag dede lang talaga saken ang nakakapag patahan sakanya. Ako lang ba nakaka experience neto sa baby ko?

What’s in my BREASTMILK?
9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa ganyan age normal lang every feedings poops agad.. Easy to digest kasi ang breastmilk kaya mabilis din sila magutom at dedede ulit.. Nung Ganyan age din 10x a day ako nagpapalit ng diaper ng baby ko. Tapos nabago lang at dumalang poops nung lumalaki na baby ko minsan nga nag skip pa dumating pa nga sa 1week no poops pa normal lang din yun sa Bf babies basta lagi may wiwi.. Kung parang kinakabag si baby Change diet ka din momsh alisin mo muna sa diet mo mga gassy foods like cabbage at bawasan mo pag intake muna ng mga dairy products.. Possible overfed din si baby kaya naglulungad agad.. Obserbahan mo din kung hindi siya nataba at madalas talaga pagsusuka baka may reflux na pala si baby.. Mas maganda po mapaconsult din si baby kay pedia para matingnan po lalo na ang sabi nyo parang nahihirapan huminga. -7mosEBFmomhere

Magbasa pa