Bakit po kaya di naaprobahan yung MAT1 ko?
Mga mi ask ko lang po bakit po kaya di ako naaapprove sa maternity? Binayaran ko naman po yung month ng july til september. Diba dapat active kahit 3 months lang. Gang ngayon wala po di ako approve. yung EDD ko sa January 24 pa naman pasok pa sa bracket. Online lang ba sya pwede iapply o need ko puntahan sa mismong satelite office ni sss? TIA po!
mamshie pwede mo tignan sa sss online ang pwede mong makuha. log in ka sa sss online then click eligibility then sickness/maternity then click maternity taz maglagay ka ng confinement date, date of delivery tapos type of delivery try mo lang caesarian or normal then makikita mo na makukuha mo gaya ng sa akin which is edd ko is Jan 2023.
Magbasa paYes miii nag voluntary na ako. bale yung last na hulog ko kasi nung 2020 pa. tapos nung pumunta ako sa sss ang sabi sakin na dapat kong bayaran ay july to sept lang kasi need daw atleast 3 months yung hulog. july din mismo ako nagbayad after ko mag notify kay sss na gusto ko mag apply ng matben.
12 months mi, tapos ang titingnan nila is yung 6mons na pinakamataas na hulog mo from Oct 2021 tayo to September 2022. yung last 3 months bago ang quarter of contingency natin( january) hindi na counted. kaya back track ka ng hulog mula September pabalik.
Sabi pag nag file ka ng MAT1 wla nman approval na email or ano. Parang tulad sakin. Nag file ako maternity notif. Tapos naka received ako ng email na ganito. Sabi next step pag nanganak na ko. Para sa Mat2. Tama ba intindi ko? Wla dn akong alam hahahaha
if may kulang na contribution momsh pwede pa po mahulugan yun basta within the calendar year po, yun ngalang direct kana nun sa SSS pag mag ccontribute
Same as mine mi, january 24 din EDD ko. Question lang po, voluntary na po ba status nyu sa SSS, and kelan po kayo naghulog ng july-sept nyu po? May hulog na po ba kayo dati pa kay SSS? Masyado po kasi silang strikto pagdating sa Matben.
I think iba Po ung qualifying period na sinasabi. kse nagcheck aq sa portal ng SSS, nkalagay Doon qng anong mga months dpt may hulog. prang almost 1 yr nga ata un. try nyo Po tawagn na lng Muna si SSS or double check nyo Po sa portal nila.
kung may sss account po kayo dun nyo po makikita kung approve na yung Mat1 nyo meron din po kayong marereceive na email from sss na confirmation na natanggap na nila yung Mat1 nyo po ,at kung wala pa wait lang kayo ng mga week ganun at kung wala padin ulitin nyo nalang po ulit ang pagpasa through online .
baka kulang hulog nyo mi. oct. 2021 to sept. 2022 dapat may hulog kayo.
Same sakin. Yan lang natanggap ko wlang iba na approved keme.