6 Replies
First time Mom lang din ako. sa lying in lang plano ko manganak, pero may Hospital sila na naka ready para if ever na hindi kaya sa Lying In nila, dun isusugod sa Hospital. nung sinabi sakin yon, dun ko na plano sa Lying in manganak since may partner naman silang hospital. pag sa hospital kasi sabi nila need daw 6 months pataas may record na ang hospital ng mga check up mo, dapat daw dun ka na mismo nagpapa check up.
Hi Mi. Sa first born ko po, sa lying in ako nanganak. Kasi doon din nagpapa anak yung OB-GYNE ko, then nirecommend niya na rin. So ayun, so far okay naman. Nakayanan mag normal delivery, no complications. Ngayong preggy with my second, and April din due date ko, baka sa lying in lang din ako. Hehe. Pero para mas Mapanatag ka, why not sa hospital. 🫶🏼
Mag-inquire po kayo directly sa clinic na balak nyo. Karamihan ay sa hospital dapat pag 1st pregnancy, while yung iba naman pwede daw depende rin siguro kung may doctor sila and equipment. May required nos. of checkup rin, etc. So best na direkta magtanong po sa clinic para walang gulatan ☺️
nanganak ako 2020 ang sbe po sken bawal na po talaga pag panganay sa mga lying in . pero lying in ako nanganak kase lalabas na si baby nung ngpunta ako dun . pero the best nyan mii , punta ka sa lying in na sinasabe mo para mas masagot ka po nila kung ano ba dapat ..
Sa pagkakaalam ko po, advised po sa hospital manganak kapag 1st baby.
Hospital po if 1st baby
Mariella Paralejas