LABOR PAINS

mga mi ano pwede gawin para mapabilis ang labor o paglaki ng cm? kahapon pa ako naglalabor sobrang sakit na ngayon pero 2cm pa din😭

13 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

mi pag humilab iiri mo para mabilis tumaas cm mo tapos sabayan mo ng inom ng pineapple juice tapos lakad2 ka ganun ginawa ko and effective from 4cm naging 6cm tapos wla pang 5mins. na fully cm na ako

Sa akin, 2 cm to 4cm wala pa sakit. 6cm dun na talaga nagstart. 3 weeks akong 2cm. nung 4cm na dun na start umakyat cm ko. pinutok na panubigan ko at tinurukan ako pampahilab para tuloy tuloy.

had my baby sept 27, edd was oct 5. Stuck din ako nun sa 2cm and makapal pa daw cervix ko. Nag do kami ni partner for 2 days 😆 madaling araw ng 27 nag tuloy tuloy na.

painsert ka ng evening primrose then squatting at walk in place lang. been there. 24hrs of labor sobrang sakit pag nagcontraction pero kinaya naman. good luck sa inyo

try mo akyat baba sa hagdan sis mas mabilis makababa nang baby pag baba ka parang ibabagsak mo yung paa mo aalog tyan mo,ganyan ginawa ko sis ang bilis ko nanganak

6CM na ako no pain, Puson at balakang lang. Uminom ako ng itlog sumakit agad tiyan ko minuto sunod segundo nalang manganganak na pala ako

ganyan ako kagabi tas nag pai.e ako kaninang 12nn 3cm nako mahaba haba pa mi tiis lang talaga

same huhu 2cm ako nung friday nawa makaraos na 🥺 ansakit na ng buto ng pempem ko

1y ago

bale dalawang turok na pampahilab nilagay sakin ng ob ko. pagka sabi namin ng asawa ko na for normal delivery lang ang budget namin talagang pinilit din ng ob ko mainirmal ko laki ni baby 3.55kg sta kaya malaki tahi ko. try mo po sabihin na induced kana nila.

squat ka mii kapag nagcocontract na sya. yan pinagawa sakin nung 3-4cm ako e

kada mag contract yung pain sabayan nyu mhie ng pg squat or exercise ..