Napagsabihan na selfish

Mga mi ano mararamdaman or gagawin nyo once na nasabihan kayo ng husband/partner ng selfish like for example hindi ka maka pag desisyon agad kung paano pagka anak mo mag work ka ba ng mas stable na trabaho or kung ipagpapatuloy mo yung pagpapautang at paniningil nyo ni husband na mejo alanganin na kase sa tingin ni husband is palugi na kayo. ako kase nasabihan nya ako na kaya daw ayaw ko mag work ng iba kase sarili ko lang daw ang iniisip ko, at ang gusto ko lang daw is mag alaga na lang ng bata. nasaktan ako dun sa sinabi nya though alam ko naman na may point sya, kung mag work man ako ang tinapos ko po is vocational HRS and inisip ko na hindi naman ganun kadali iwan yung baby ko pagkapanganak ko, gusto ko sana yung work from home. kayo mga mi baka may alam kayo na work from home na pupwede sa mga bagong panganak pa lang 8 months na po ako now kaya hindi ako maka desisyon agad. pa help naman po mga mi

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

tama naman sya sa point na need nyo ng stable income tsaka sa hirap ng buhay ngaun tulungan talaga, pero timing is everything parehas kayong my responsibilities parehas mabigat sya need nya mg provide ikw need mo mg focus sa pag aalaga sa baby until such time na kaya muna. siguro pressure lang sya ngaun at natatakot kasi baka deep inside iniisip nya na di nya kaya mg provide mg isa. ps: ako gustong gusto ko mg work na stop ako mg work simula na buntis ako last year pag kapangak ko ng December nag apply na agad ako natangap ako wfh set up BPO after awhile nag resign ako this last July Dahil hindi ko kaya pag sabayin puyat na puyat ako nag aasikaso ko sa baby nag aasikaso ko ng food ng asawa ko kasi papasok my times na wala syang almusal kasi naka duty ako then na realise ko I need to give way family first napapabayaan ko parehas ung work at pag hahandle sa bahay.

Magbasa pa

3 months ang maternity leave.. I don't know f applicable din ito s wfh..magpahinga k muna pagkapanganak then kung gusto tlg nya n magwork k, magwork k..gumawa kau ng deal.. ipaalaga mo s knya ang baby mo at lahat ng gawaing bahay ay dpt gagawin nya..ewan ko lng kung hindi k nya pauwiin at pahintuin s work..my mga tao kz n hindi alam ang struggle pag my baby n..akala nila, easy lng pag nsa bahay.. hindi alam n walang katapusan ang trabaho pg nsa bahay..my time n ultimo pagkain at pagligo hindi n mgawa lalo at my clingy n baby..payo ko sau, iready mo sarili mo..(sarap kz jombagin ng asawa mo s totoo lng dahil dpt nksupport xa sau..)kung hindi k nya tutulungan at ikaw p rin s lahat, mabuti pang iwan mo n yan..mbibigatan k lng s buhay..tutal my work kn kung sakali, kya mong buhayin ang anak mo ng wala kang iniintinding asawang ganyan..be strong..keep praying..all is well

Magbasa pa

Hindi naman selfish mommy ang pagaalaga ng Baby . Mas maganda na nandyn ang magulang habang lumalaki ung bata. at kung kukuha kau ng taga pagalaga ganun din kc mgpapasahod dn nmn kau ehh . Ako 5mons preggy at maaga ko nagleave s work simula ng napinagbedrest ako. kinakausap ko ngaun ung partner ko na pagkapanganak ko sya mgalaga s umaga pgpapasok ako , ako nmn s gabe pero ang sagot nya saken magresign na lng ako kc mas maganda dw na lumalaki ung bata na sa Nanay . sabi nya saken maghanap n lng tau ng bahay na pede ka magtindahan , pra malibang ka habang nagbabanty s bata . ung pagpapautang mo mommy pede un magisip kau ng mga ititinda n lng or mag wfh ka po kung gusto nyo po magwork tlga . pede ka nmn kausapinbni mister na hirap sya na iprovide lht tulungan kau pero ung ganyang word prang napaksakit marinig .

Magbasa pa

magagalit sa una... pero marerealize ko sa bandang huli na kaya niya nasabi yun kasi kukulangin talaga kapag siya lang ang magwowork. panget lang pagkakadeliver niya. ok sis yung work from home. ako, 2 weeks pa lang after manganak, nagwork agad ako. kelangan eh. nagwowork ako while kandong ko newborn namin or nasa side siya ng kama. kapag umiyak, need pumupu, or dede, tigil muna saglit sa work. mahirap, pero kaya naman sa totoo lang. pero dapat may support ng asawa mo. kung gusto ka niya magwork, dapat kikilos din siya sa bahay. pwede ka sis mag-virtual assistant, online call center agent, etc. kahit hindi naman related sa course mo. basta may skills ka. read mo eto: https://jirapi.blogspot.com/2021/06/mga-pwedeng-trabaho-o-pagkakitaan-ng-mga-nanay-o-tatay-na-nasa-bahay-pandemic-man-o-hindi.html?m=1

Magbasa pa

Sorry momsh ha baka siya ang selfish.. Actually saludo ako sa mga buntis at after manganak e trabaho agad. Pero kung iisipin natin mas higit na kelangan tayo ng mga anak natin lalo na sa mga unang taon ng buhay nila. Higit na kelangan nila ng nanay sa tabi nila. Si mister mo dapat ang mag isip ng isa pang pagkakakitaan para sa pamilya niyo. Btw Nurse ako at nagtatrabaho dati pero nung nagbuntis at nanganak ako dito sa 2nd baby ko pinatigil na muna ako ng mister ko mas gusto niya matutukan ko ang pagpapalaki sa mga anak namin kaysa kumuha ng ibang mag aalaga. At ngayon nagpaplan kami ng isa pang source of income na di ko na muna kelangan bumalik sa work. Wag mo muna isipin yan work isipin mo muna na safe kayo ni baby manganganak ka palang kung anu2x na mema ni mister

Magbasa pa

tamga at tarantado pala gang asawa mo eh! sorry ah pero clearly naman wala syang pakielam sainyo ng anak mo. Hnd ka pa nga nanganganak work na agad nasa isip nya. ayaw nya maging good provider sainyo. Imbes na sabihin nyangw ag ka magworry at alagaan mo muna si baby aba tlaga naku! after mo manganak at kapag kaya mo na skaa ka magwork, mdming wdh sa BPO or call center. ako simula pandemic until now wfh lang ako. gusto ko mag work at the same time maalagaan anak ko. Pwlero choice ko ito ah hnd ako pinilit ng asawa ko. ang sabi nya sken basta if hnd ko na kaya pwd ako magstop magwork at sya bahala samin. Dpt gnun sis support ka nya. if tlagang hnd kaya sainyo na 1 lang magwowork then apply ka sa BPO sis tyaga lang.

Magbasa pa
2y ago

mi pwede po bang. magapply aq. s bpo khit homebase.. manganganak dn kc aq at gusto q tlga mgwork.. nsasaktan po kc aq pag cnsabhan aq ng asawa q pasarap s buhay..

VIP Member

Paanong naging selfish ang pag-aalaga ng anak nyo, matetengga ka sa pag-aalaga ng bata. Ang pag-aalaga ng anak ay napaka-selfless nyan kasi yung buhay mo pinaubaya mo na sa pag-aalaga ng anak nyo. Kaya nga may maternity at parental leave kasi importante ang maalagaan ang anak pagkapanganak. Wala naman problema sa pagta-trabaho pero syempre kailangan nyo na din isipin yung magiging anak nyo. Kung kamo naging selfish ka na inuuna mo munang isipin yung kapakanan ng ipapanganak nyo pa lang na baby, ang selfish din nya na isipin na hindi kayo kailangan ng anak nyo pagkapanganak. Hindi lang pinansyal ang kailangan sa pagkakaroon ng anak kaya kamo pag-usapan, pag-isipan at pagplanuhan nyo din yung gagawin nyo pagkalabas ng baby nyo.

Magbasa pa

Asawa ko namn mag alaga nalang daw ako ng baby namen pag lumabas na. Ako namn ang ayaw. As much as possible gusto ko mag work kc syempre iba padn pag dalawa kayong kumukita grabe pa namn inflation ngayon. Sabihin mo sa asawa mo na hindi ka nag papasarap at obligasyon mong alagaan yang anak mo. Ngayon kung di nya kayo kayang buhayin kaya nag sasalita sya ng ganyan , iwanan mo nalang yan. Walang kwenta yan. Dapat di sya nakikipagsex kung di sya ready sa obligations.

Magbasa pa

Parang tanga pala yang asawa mo eh. takot ata bumuhay ng pamilya. siya dapat mag provide at ikaw, focus ka sa baby ninyo. commonsense na sana yan sa kanya mommy. ako nga si hubby ko gusto tumigil ako mag work para di na ako mapuyat tapos pagpangaka gusto nya kang baby muna focus ko. ako lang naman tong gusto mag trabaho kase nababagot ako sa bahay. sabihan mo yang asawa mo na siya nalang mag alaga ng bata at ikaw mag trabaho. tignan natin kung ano mas nakakapagod.

Magbasa pa

ganyan din sabi ng partner ko sakin.. sinira ko daw pangarap nia pero nung nakita at nahawaka na nia anak nia.. parang walang pagsisisi na nabuntis nia ako.. 😇 opinion ko nmn sa about sa work okay lng magwork ka mommy.. basta medyo malaki at may nag aalaga kay baby.. sabi kasi ng nanay ko mas okay na may sarili kang pera na hawak na galing sa pagod mo kesa asa palagi sa asawa..kasi may mga asawa na kampante at minsan hndi enough ung nabibigay..

Magbasa pa