CAS Ultrasound

Mga mi, may alam po ba kayong hospital/clinic na okay magpaCAS ultrasound and allowed yung companion (husband)? Naawa ako sa asawa ko nakaka apat na ko na ultrasound and lagi ang likot ni baby nakakatuwa pero di pa nakita ng asawa ko kasi bawal pumasok or kahit magrecord ng video man lang🥹

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Yung OB sonologist ko mabait. Siya mismo tumatawag sa partner ko basta papa check up ako monthly. “Daddy, halika dito tignan mo si baby. Eto na siya o, complete naman parts saka malikot.” Minsan nga di pa ko sinisingil sa ultrasound ko 🥺. Alagang alaga ako simula pa lang nagpapa consult ako para mabuntis. Madalas pa yan makipagbiruan samin during consultation. Shoutout kay Doc Gibee Ranada ng Laoag, Ilocos Norte. Madalas ako may discount simula una kase health care worker daw ako saka naawa ata samin kase unang consultation ko, sabi ko doc gusto ko na mabuntis kase 5-6 yrs na, wala pa din. Couple kami dito sa baby na to so kinokonsider niya na kamjng dalawa ang patient kaya welcome na welcome si daddy kada check-up. 🥺❤️❤️❤️

Magbasa pa

Actually kahit saan "only patient is allowed inside at bawal po ang recording" pero yung isang clinic na natry ko hiningi ng assistant yung phone ko tapos nagvideo siya sa ultrasound result ko.. natry ko na rin papasukin si hubby kahit may nakalagay sa door ni doc ONLY PATIENT IS ALLOWED INSIDE 😁 nag-ask permission lang ako sa OB na pwedi papasukin si hubby para makinuod sa ultrasound kasi gusto ko rin makita ni hubby nung nagcheck sa gender, so ayun pumayag po si OB basta kalmahan lang po ang pagsabi hehe 🙂

Magbasa pa

Sa pinapagultrasound ko, bawal din mag record and may kasama. Pero nung day ng CAS ultrasound ko, nag try lang ako mag ask kung pwede sumama si hubby. Luckily, mabait yung OB Sono. After nya ma assess si baby, pinatawag and pinapasok si hubby. Pinakita nya and inexplain nya yung body parts ni LO kay hubby. And since wala kaming balak mag gender reveal, in announce na nya din yung gender habang andon si hubby 🥰

Magbasa pa

We had our CAS sa Hello Baby Fishermall pero may branch din sila sa Megamall. Very nice and accommodating staff and doctors. Pwede magsama ng husband or up to 3 companions yata. Pero depende sa package na iaavail mo kung pwede picturan/ivideo yung ultrasound. Very good naman ang customer service nila sa instagram so you can contact them. ☺️

Magbasa pa

hanap ka ng clinics na nasa mall, like hello baby (fishermall sa q.ave Qc) or in my womb sa may megamall. pu.apayad sila magpavideo at pumasok upto 4 companions. sa st.lukes ako nagpaCAS laat time at pinapasok si hubby ko at pinagvideo rin kami. medyo pricey lang po, pero must try dahil good service sila. P3900.

Magbasa pa
1y ago

by appointment po ba sa St Lukes?

sa Calamba po, sa Global very thankful ako sa sonologist ko kasi payag sya pumasok si hubby. well, procedure first, tapos papasukin na si hubby and pwede na din magvideo. payag sila kahit ung sa normal na ultrasound lang. very happy talaga kasi nakapagrecord kami thank you sa mabait na sonologist 🥰

1y ago

sana all😆 s global bay, ay ayaw magpa pasok ng mr😅

sa mga normal ultrasound ko nakakapasok asawa ko kaht yun anak ko pero noon CAS hindi nila inallowed c hubby kc masikip n sa room at matagal ang CAS, pero netong nagpa BPS aq at placental doopler sa ibang clinic kahit malawak yun room hindi inallowed ang mother ko at MIL ko n pumasok

Nagpa CAS ako sa SMC OB-GYNE ULTRASOUND CLINIC mii sa san juan. Kasama si hubby sa loob. Also nagpa 4D kmi sa the Baby ultrasound sa robinson place manila pwede rin si hubby at isa ko kid

Taga saan ka mie? Sa BPB ako dto sa Pasig nagpapa utz. Pwede pumasok si hubby pati si panganay ko pwede din magtake ng pics and video. Ang bait pa ni OB sono inentertain mga tanong ni bagets ko.

1y ago

Mi Saan po banda yung BPB? Taga pasig din po ako. Mga hm kaya doon? tnx

Kadalasan po sa CAS ultrasound pwede naman po ang companion bawal lang po talaga ang mag video or recording pag CAS.. pero kung 3d/4d dun po pwede mg video