Iyaking baby

Hi mga mi alam kong normal lang sa mga baby ang maging iyakin pero yung baby ko as in umabot sya ng 12 hours ng iyak (from 4pm to 4am) .. Iiyak hehele iidlip saglit 5 mins lang siguro tapos biglang iiyak nanaman also yung mata nya di mapakali kung saan saan tumitingin (sabi ng albularyo nakabukas raw yung 3rd eye) Busog naman sya walang kabag komportable yung temp. Nasstress lang ako kasi lahat kami sa bahay di na nakakatulog. What to do po mga mi? She's 2months old. #Needadvice😥

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

baka po growth spurt? breastfeeding po ba kayo? palatch nyo po minsan kasi ganyan din si baby susubo lang nya nipple ko magkakalma na kahit di nadede. ginagamit nya as pacifier. kung di naman po try nyo po ipacifier. temperature. possible po na komportable tayong adults pero si baby hindi. 2 weeks po kaming nageexperiment ni hubby ng tamang temperature kay baby sa ac. clothing. check nyo po clothes nya baka may gumagapang na insect, o kaya baka di nya hiyang ang texture. based po ito sa experience namin kay lo. ayaw nya din may nakapatong sa paa nya na kumot. kaya binabalot na lang namin sya sa makapal na damit para di lamigin. diaper. always check po lalo na kung breastfeeding. si lo ko napupuno ang nb diaper nya ng wiwi every feeding. sabi nila monthly daw may time na maggrowth spurt ang baby. tapos na kami sa last month. 1 week din inabot. unli latch si baby ko pero iyak pa din ng iyak. ihehele mo ganun din. iiyak lang din. nung pinacheckup ko si lo sa pedia ganun lang din ang sinabi. meron daw talaga stage na dadaanan si baby sa ganito. we just need to be present during those times lalo na mga mommies usualyy ang nakakapagpakalma sa kanila. pacheck nyo na din po sa pedia kung may doubts kayo. mas maigi pong alam nyo ung dahilan. mahirap kasi ang babies di man masabi ano ang masakit, kung bakit di sila komportable. iyak lang ang way of communication nila. good luck mommy. kakayanin natin to. para sa baby natin. 🥰

Magbasa pa

Parang growth spurt Mii. Ganiyan din panganay ko before, same age, 2 months old din siya noon. Iyak ng iyak, ayaw pababa, idlip idlip lang tapos iyak ulit. Pati ako umiiyak na din kasi halong pagod at puyat na nararamdaman ko. Pero pa check up mo pa din Mommy para sure ka.

check your baby momy sakin mg 1 month p lng iiyak lng pg dede or my tae or need nya mg palit ng pampers kse puno n ...or gusto nya mg p hele... kpg ngawa n lhat un bka my nararamdaman sya

question. Ok ba ang dede niya? napapa burp ba? comportable ba siya? wala ba siyang mga rashes? observe mo muna kung ano ung cue na pinapahiwatig niya.

Magbasa pa

Tumitibay ka lang nyan mii. Lahat ng nakakaiyak mararanasan mo sa pagiging ina ☺

growth Spurt po nila ata yan? pero pacheck nyo po sa Pedia.

mas mabuting ipacheckup mo nlng mommy pra sgurado👍

ipacheck up nyo nlng po sa pedia