Mga mi question

Mga Mi Akolang ba ang hindi maka kain ng walang juice or softdrinks? while pregnant hirap kasi alisin

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Okay lang naman ang juice. Basta make sure na limit lang kasi mataas sugar content niya. Kung ito yung tinitimpla. Pag yung naka carton ang concern na isa dyan is dapat pasteurized siya, para makasigurong walang bacteria or viruses. Di ako nasanay sa soft drinks pero may time na hinahanap ko yung bubbly drinks na effect ng soda, yun bang mag burp. Ang concern naman sa softdrinks is maliban sa sugar may caffeine pa siya. Kaya ang safest choice na iniinom ko rin is yung sprite. Caffeine-free siya kesa sa ibang carbonated drink. Sabi ng health educator ko. Pwede uminom ng softdrinks paminsan minsan. Kahit chichirya, para lang ma satisfy mo cravings. Pero may limit. Sayo siguro, mag 8 oz size ka lang in a day pero wag everyday.

Magbasa pa