Breastfeed milk

Hi mga mi 2 weeks old po si baby today lagi siya naiyak and putol putol ang tulog, may kabag po ata sya. Ano pa po other options paano po maibsan nararamdaman no baby bukod sa aceite? Normal din po ba na di sya natae within the day? Thank you so much po. p.s already tried massaging her tummy and yung iba pang burping position.

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

normal sa baby po...ganyan po si Lo nun madalas kabagin kahit anong gawen grabe din iyak...lilibangin nio lang po..Yung manzanilla imassage nio lang sa balakang nia ..then try nio ibicycle po yung mga legs/padapain ...di din basta basta mawawala kabag kahit nakaburp or nakautot siya ..

actually di naman po kais pantanggal kabag ang manzanilla as per pedia at sa study. parang colic ang meron si baby mo kung di natigil ang iyak kahit anong gawin mo. ask your pedia may pineprescribe na gamot for that po.

ganyan baby ko till nag 4-5 months regarding kabag. malamig din kasi dito sa baguio. normal lang naman po if 1 - 2 days not poop as per my pedia.. but sabi if 3 days no poop, need to go to the pedia na.

TapFluencer

Pacheck nyo po sa pedia. Baka kulang sa dede si baby kaya iyak nang iyak as evidenced din sa di tumatae. Pa unli latch lang po sa dede nyo. Importante po talaga yan lalo na 2 weeks old pa

Consider din po that your lo might be going through a Baby Growth Spurt ☺️ In which case, unlimited pasensya at understanding ang kailangan 🤗

Post reply image
TapFluencer

Iwasan nyo po palagi paglagay nang manzanilla. Mas better po natural lang. Massage the baby po palagi. IBurp po palagi si baby after every feeding.

lahat po ng baby ay putol putol ang tulog sa first months nila. kung breastfed naman po ay normal po na hindi sya magpopost araw araw.

imassage mo sya mi with tiny buds calm tummies, ang effective nyan ganyan gamit at ginagawa ko kay baby pagmay kabag👍

TapFluencer

sobrang kabagin din ng baby ko nung newborn pa sya, ang nakatulong lng samin is Yung calm tummies ni TinyBuds

kung bf po kayo maging aware sa kinakain mi ...may mg food na nakakakabag ..