Contraction
Mga mhiee ano po ung mararamdaman kapag malapit ka na sa contraction ? Masakit po ba na puson at masakit na likod ? 36w and 4d

sa case ko, nagstart sa nadudumi at 1am. nagising pako dahil sa feeling na un. then kahit ilang balik sa CR, wala nakong mailabas, feeling na nadudumi pa rin ako. until 5am un. ginising ko na si hubby, sabi ko, ito na ata un. manganganak nako. then nagstart na ang contractions. hindi pa malapit ang intervals pero pabalik balik na. start nakong maglakad sa bahay. at 9am, punta na kami ng hospital dahil masakit ang contractions. palapit ng palapit ang interval at pasakit ng pasakit. lakad lang ako ng lakad sa hospital. until hindi ko na kaya, pinahiga na nila ako sa delivery room. nanganak ako around 5pm, same day from when nagstart ang early sign of labor. this was 38weeks.
Magbasa pa

