Burp kay baby

Mga mhie help naman po, hindi ko kasi mapaburp si baby. Lahat na po ng technics at position na naresearch ko ginawa ko na pero di ko pa din siya mapaburp, 7days old pa lang si baby. Sobrang napapraning na ako kasi everytime na ilalapag ko siya at di siya nagburp, palagi siyang sinisinok. Madalas ako lang naiiwan mag isa wala rin akong mga kamag anak or sino man na malalapitan ko kapag may kailangan akong malaman kaya internet talaga ang takbuhan ko. Wala rin naman alam partner ko kasi parehas kaming first time parents. Pls po pahelp di ko na alam gagawin ko sa baby ko madalas napapaiyak na lang ako kasi feeling ko hindi ko magawa ng maayos pagiging mommy ko sa kanya. Wala naman ako makausap sa pinagdadaanan ko kahit partner ko di ko makausap at natatakot ako baka umabot pa to sa postpartum depression, ayoko masaktan baby ko. #FTM #plshelpmgamommies

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hello mie, relax ka lng. normal lng Po Ang sinok. wlang kinalaman Ang sinok sa burping. ☺️ kht Po nung nsa tummy pa lng natin si baby sinisinok na Sila. anyway re burping don't worry, qng breast feed Po kau ok lng Po kht hindi iburp as per lactation consultant ko. 17 days old na si baby di ko sya biniburp lalo n qng nkatulog sa Dede. madalas nmn kse syang mag fart so ok na un. Ang Sabi din wla nmn dw hangin Ang breast feed unlike qng sa bote sya dumede.

Magbasa pa