Burp kay baby

Mga mhie help naman po, hindi ko kasi mapaburp si baby. Lahat na po ng technics at position na naresearch ko ginawa ko na pero di ko pa din siya mapaburp, 7days old pa lang si baby. Sobrang napapraning na ako kasi everytime na ilalapag ko siya at di siya nagburp, palagi siyang sinisinok. Madalas ako lang naiiwan mag isa wala rin akong mga kamag anak or sino man na malalapitan ko kapag may kailangan akong malaman kaya internet talaga ang takbuhan ko. Wala rin naman alam partner ko kasi parehas kaming first time parents. Pls po pahelp di ko na alam gagawin ko sa baby ko madalas napapaiyak na lang ako kasi feeling ko hindi ko magawa ng maayos pagiging mommy ko sa kanya. Wala naman ako makausap sa pinagdadaanan ko kahit partner ko di ko makausap at natatakot ako baka umabot pa to sa postpartum depression, ayoko masaktan baby ko. #FTM #plshelpmgamommies

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same po tayo cs, FTM at walang katuwang magkarga kay baby. gawa ko po kpg dko sya mabuhat tinatap ko lang unti yung likod habang nakatagilid po sya. kpg sinisinok po tinatapalan ko lang ng kapitanggot na tisyu na basa sa noo, walang scientific explanation hehe nakita ko lang sa mga pinsan ko dati sa province. kpg breastfeed po wag masyado magworry na hnd mapaburp lagi, minsan may kabag lang si baby lagay lang manzanilla unti sa tyan. yung partner nyo po pwd din sya nlng magpaburp kay bb, check youtube how. sa youtube lang din kami natutu ng partner ko ng mga teknik😁 at tanong din sa pedia.

Magbasa pa