Burp kay baby

Mga mhie help naman po, hindi ko kasi mapaburp si baby. Lahat na po ng technics at position na naresearch ko ginawa ko na pero di ko pa din siya mapaburp, 7days old pa lang si baby. Sobrang napapraning na ako kasi everytime na ilalapag ko siya at di siya nagburp, palagi siyang sinisinok. Madalas ako lang naiiwan mag isa wala rin akong mga kamag anak or sino man na malalapitan ko kapag may kailangan akong malaman kaya internet talaga ang takbuhan ko. Wala rin naman alam partner ko kasi parehas kaming first time parents. Pls po pahelp di ko na alam gagawin ko sa baby ko madalas napapaiyak na lang ako kasi feeling ko hindi ko magawa ng maayos pagiging mommy ko sa kanya. Wala naman ako makausap sa pinagdadaanan ko kahit partner ko di ko makausap at natatakot ako baka umabot pa to sa postpartum depression, ayoko masaktan baby ko. #FTM #plshelpmgamommies

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sinok is normal sa newborn. sa diaphragm nya yang sinok not sa burping. kusang mawawala ang sinok. huminga ka muna saglit. parang naooverwhelm ka kasi.. isa isa lang ang isipin muna.. paupuin mo ng diretso si baby mo, with neck support, straight mo ang likod nya. or higa na elevated ang ulo then do abdominal massage and bending of legs. ulit ulitin mo lang yan. iba iba ang babies.. you need lang magrelax, at patience...Godbless you.

Magbasa pa