Placenta Accreta / Previa Totalis, Grade II
Hello mga Mhams.. Share ko lang ang kalagayan ko sa pag bubuntis ngayon.. Im 30weeks preggy now, ilang weeks nalang at hihiwain na ang tummy ko, Kinakabahan ako sa aking panganganak.. 2nd Baby ko po ito and CS ulit ako.. Nakita sa Ultrasound ko na totalis mababa ang placenta ko kaya sabi sakin ng OB ko na ipapasa nya ako sa malalaking hospital dahil wala daw tumatanggap na maliliit na hospital sa ganitong case dahil madugo ang Operasyon nato, need daw ng mga high tech o malalaking aparato para sa operasyon na ito, at napaka delikado daw po nito.. Rare cases kumbaga out of 10,000 pregnant woman, 4 lang ang nag kakaganito.. At isa ako doon sa apat =( Na stress na ang asawa ko dahil x2 to x3 ang singil ngayon sa mga hospital dahil sa pandemiya =( tapos wala pa kami stable na pinag kukunan ng pera.. Please isama nyo ako at ang baby ko sa mga dasal nyo mga mommys, na sana malagpasan namin ang pag subok na ito.. Maraming salamat po.. ❤️