Help po mga mash !

Hello mga Mash ! Im 12 weeks pregnant po.. at sobrang hirap pong makatulog sa gabi.. any suggestion po kung pano po makatulog agad? Nahihirapan po kasi ako.. Thank you po!#pleasehelp

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

hello po mommy congrats po sa inyong pregnancy! pwede ko po ba malaman bakit sa tingin niyo po hindi kayo makatulog? sa environment po ba? sa mood niyo po? kung yung una po, malaking bagay po ba tahimik ang paligid niyo. try niyo po magheadphones at makinig ng music. kung sa mood po, maganda po kung magawa niyo po muna yung mga needs niyo po bago kayo humiga sa kama, gaya po ng pag inom ng tubig, kumain ng masustansyang meryenda bago matulog, makipag usap sa kasama sa bahay kung may mabigat pong dinadala, makipag kamustahan kay hubby/bf, magdasal kung relihiyoso po kayo, yung mga ganon po para di niyo na po isipin habang nakahiga. mayroon po akong pinakikinggan sa YouTube na mga pampatulog po na meditation. Tutulungan po kayo makatulog ng host habang nakikinig sa relaxing music. wag po kayo madiscourage at mastress mommy. try niyo lang po. may insomnia po ako at napapatulog po ako ng meditation. hope this helps po. stay healthy po mommy at wag kalimutan ang multivitamins at iron supplements (nakakaantok din po ang ferrous sulfate)

Magbasa pa