ABO Incompatibility
Hello mga mamsh..tanung ko lang kung may similar case samin ni baby. Nanganak ako Sept 23, 2021 via cs..okay si baby nakasama ko agad..next day naninilaw na sya then nirequire ng pedia iphototherapy..ABO incompatibility daw blood type O+ ako then si baby B+ same ng tatay nia..sabi ng pedia pag d naagapan ay utak ang maapektuhan. Sept 28, 2021 na dito pa rn kme ospital, lumolobo na ang bill dahil sa mahal ng room so nung tinanong kame ng pedia kung gusto na umuwi umoo na kme..di na talaga kaya financially walang ibang sakit si baby based sa mga test, walang infection o anuman..ito lang talagang high biliburin at paninilaw nia na nabawasan naman sa phototherapy un lang pabalik balik..kasi ang ginagawa ng pedia 1st day - 24hrs nakailaw; 2nd day - 2hrs on, 2hrs off; 3rd day - 2hrs on, 4hrs off; 4th day - 2hrs on, 2hrs off may same case po ba sa inio na nagokay naman si baby sa pagpapaaraw at frequent feeding? sa ngaun pinagmixed fed muna kami pero pure bfeeding po talaga ang plan ko..maraming salamat po Update: Oct 5, 2021 - nagpacheck up na kme sa ibang pedia at advised stop muna breastfeeding for 10days para ma-verify kung breast milk jaundice lang un kay baby..mabigat man sa kalooban pero para kay baby..π₯² Update: Oct 17, 2021 - okay na po kulay ng skin ni baby; may konti discoloration sa gilid ng mata nia pero anlaki ng improvement. Balik kme sa pedia ng Oct 23, sna totally wla na.. πππ #ABOincompatibility #jaundice #newborn #breastfedbaby