Lagnat at baradong ilong..

Hi mga mamsh.. Naranasan nyo din ba lagnatin at sipunin habang buntis? Normal lang ba yun ? Nag tatake nmn ako ng vitamin c malakas din ako sa water. Di ako nagpapagod lagi nga ako nakahiga di din ako nttuyan ng pawis. Kso knina nagstart pagbabara ng ilong ko pero wlang sipon naman tpos pra kong lalagnatin ambigat ng mata ko tpos masakit ulo ko ๐Ÿ˜Ÿ

14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

pinagdaanan ko yan sis. Til now sumasakit sakit pa ulo ko esp pag mainit panahon. Pero nd naman na ako sinisipon at never nilagnat. I advise lng na pacheckup ka or kahit call your ob lng sis. Pwd naman kc paracetamol pero pag sobrang sakit at di mo na natolerate at wag ding dalasan. Better dn na sabihin mo sa ob mo un in case nagtake ka na without his/her knowledge.

Magbasa pa

same here din po. Simula kahapon panay bahing ko na. Tapos ngayon mabigat na yong pakiramdam ko. Parang sisipunin na. Sobrang tamlay ng katawan ko pag gising kanina. Ininuman ko na ng kalamansi na may maligamgam na tubig baka sakaling mawala agad. Flu season na tlga.๐Ÿ˜”๐Ÿ˜”

VIP Member

ang pagkakaron ng flu sa buntis mommy ay dahilan ng pagbabago ng immune system mo. possible stressed ang katawan mo. mgpa check up ka mommy para maresetahan ka ng gamot. mas maagang maagapan mas mganda at safe para sa inyo ng baby mo. ingat mommy.

Ugaliin po naten na uminom ng maligamgam na tubig pagkagising sa morning before mag take ng kahit na anong drinks or foods na nakasanayan.. you will be fine momshie,at kaen ka lang lage ng fruits.

Ako first time ko magka sipon at lagnat nitong nabuntis ako. Una parang trangkaso lang tapos after 3days sipon na yung lumabas. Ilang araw sumama pakiramdam ko sisipunin lang pala ako

Madalas din po ako magkasipon kahit malakas po ko ngayon sa water. Last month po nilagnat din po ako pero buti di po tumagal mga 1 day lang po. Pahinga ka lang po momsh

Inom ka ng lemon water pag masama naman pakiramdam mo sabayan mo ng biogesic. Ganyan ginawa ko 2 days lang wala na yung sipon and pangangati ng lalamunan ko

Ako po un sa umaga lang ang sisipunin un kakagising ko mga 3hrs na gnun tas mwawala din nmn, minsan din po my time na mainit ako

Inubo ako at sipon ngayon barado ilong ko 2 months na pero Wala akong lagnat...hirap pag buntis talaga...pero tiis2x Lang...

VIP Member

ako po. ginawa ko lang calamansi juice lagi iininom ko..3x ata ako nagkaubo sipon dati nung buntis.