SSS maternity benefit

Mga mamshies, july 1 EDD ko pero balak ko mag resign and mag last day ng may 29. Nakapag notify na ko sa sss (Mat1) thru my employer. Wala pang may alam sa office na magreresign na ako soon. Question is may same case ko ba na nagresign before manganak? Inadvanced po ba ni employer nio yung maternity benefit? Nanghihinayang nga po ako kasi mas malaki sana makukuha ko while on ML sa company than yung 70k ceiling ng matben. Kaso walang maiiwan para mag alaga kay baby. As soon as I resign, dapat po ba magpachange ako from employed to voluntary member? Thank you!

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako sis nagresign ako bago manganak kasi hirap na din ako sa byahe. Di ako nakapagadvance since one month before ML binibigay ni company ang matben. Minake sure ko na lang na kumpleto requirements ko from them para kapag after ko manganak sa feb. Madali na ko makakapagreimburse sa SSS like COE,certificate of no advance payment and L501. Di na rin ako nagvoluntary since di naman na counted hulog ko para sa matben.

Magbasa pa