3months preggy, wala padin gana kumain. Bakit po kaya?
Hi mga mamshies, hingi po sana ako ng advice kung ano pwede king gawin. Panay parin po ang duwal ko at wala po akong gana kumain, twing dinner naman po sinusuka ko lang mga kinain ko. Foralivit po iniinom kong gamot bigay ni OB. Ano po bang pwedeng gawin worried nadin po ako kay baby. Thank you!! #1stpregnnt #1stbaby

normal po yan, actually gañan po aq auq sa amoy ng sinaing tas pag nasa bibig q na ang kanin nasuka aq.. kya d nlng aq nakain ng kanin, more on milk aq at bread.. mawawala dn yan pagpasok mo ng 2nd trimester.. wla nq nausea ngaun pro hyper salivation nmn ang meron.. be thankful ka po kz pag gañan dw ibig svhin maganda ang pagbubuntis mo.. 😊
Magbasa paganyan din po ako mommy til now .. mg3months nko tom. (12weeks) lge prn ako naduduwal pero di nman gnun kdmi ung sinusuka ko feeling ko pg sinuka ko pgkain ayaw ni baby.. minsan naman okay ung kain ko di na gnun kdmi pero bgla nlng ako msusuka... 😭 kaya kinakainan ko ng prutas (orange) tska more on water.. mhrap pero titiisin pra kay baby..
Magbasa paganyan din po ako lahat ng kinakain ko naduduwal ako at sinusuka ko kaya ang payat ko nun ,ang ginagawa ko nun may vitamins ako at umiinom nang gatas tapos may biscuit ako kasi sinusuka ko talaga yung kanin e ayoko makaamoy ng bagong saing .pakonti konti na lang kain ko nun pero pumayat talaga ako nun ,try mo mommy mag pakonti konti na kain
Magbasa paAko naman ang tabang ng panlasa ko..Kahit tubig mapait 12 weeks preggy..umiinom ako ng Annmum hindi pa nga ako nkapag check up kay OB.1st tym ko wala akong makasama..palagi ako kumakain ng prutas..konti lang na kanin kaya ko..Ngayon saging palagi ko kinakain yan kasi hinahanap ko pritong saging.😊
same po.. until now 11wks. grabe hirap pa din ako kumain.. minsan nga sobrang sakit na ng tyan ko sa gutom pero kahit anu kainin ko naiduduwal ko pa din.. tiis lang din ako.. waiting for the better weeks.. basta pray ko lang maging healthy si baby.. #1sttimemomtoo
Same tyu ng sitwasyun..3months preggy din ako..mahirap tlga kz kahit gutom ka wala ka nmn gana kumain..kkain ka isusuka mu lng din..pro sabe ng ob ko normal nmn at tatgal pa hngan 4 months..kaya ntin to..sacrifice for our loved ones😃
Ganyan na ganyan nga din po ako. Hope we’ll get better soon po para kay baby.
Same 10week preggy na po ko ilang araw na ko naduduwal umaga hanggang gabe.. Kahit tubig minsan, tapos kakain ako kinakatakaman ko pag natikman ko na feeling ko busog na busog ako pero pinipilit ko pa dn po kumain ng rice tas prutas
Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-2503912)
Wag po kayo mag worry mommy kasi normal lang satin yan. Ako nga po nung 1st tri ko bumaba pa timbang ko kasi panay suka ko at walang tulog pa. Pero the baby will grow po. ♥️ Makakabawi din kayo sa 2nd tri.
Thank you po
ako nga po 17weekz preggy na pero nasusuka pa din pag nakain..at di pa rin ganun kagana kumain..normal lng nmn daw po yan..kea more on tinapay at prutas pa rin ako until now..