Paninigas ng tyan

Mga mamshiee pa help naman madalas na kasi paninigas ng tyan ko mayat maya titigas tas nakakangalay sa likod normal lang po ba yun? 36 weeks here Ano dapat kong gawin? Thankyou po sa sasagot!

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
Expert

Good morning, ang paninigas ng tiyan ay maaring contractions na po. Best to time your contractions and i-grade niyo po ang contractions. pag itouch niyo po ang belly niyo at kasing tigas ito ng forehead - STRONG Contractions po ito, MODERATE lang pag katulad ng sa tip of your nose. Kunin ang DURATION and FREQUENCY, QUALITY or CHARACTER DURATION ay ang - pag start na ang paninigas ng tiyan hanggang matapos - usually seconds lang. FREQUENCY - gaano ito kadalas? every 5 minutes or 10 minutes. (kaya important po isulat ang TIME na maramadaman ang contractions) isang watch or timer lang po ang gamitin para synchronized. CHARACTER - Mild, Moderate, Strong Kapag REGULAR na ang MODERATE to STRONG contractions, meaning kada 5 to 10 minutes na tumatagal ng at least a minute - TRUE LABOR na po ito. if not FALSE labor pa po, na can be expected sa mga near-term na or malapit na sa 37 weeks. Ngayon po na preterm and nagcontractions, bed rest na po muna and take lots of fluids. Monitor movement ni baby also. dapat po malikot si baby sa tiyan. Pero please let your OB know right away na you're having contractions na para mas magabayan po ng tama.

Magbasa pa

Bed rest po. And increase fluid intake. Mention mo din po sa OB mo next visit pwede po kasi pre term labor.

5y ago

Thankyou po mamshiee God Bless!