Pregnancy!

Hello mga mamshi. I'm 7 months pregnant na Normal lang ba yung pagsakit ng puson kapag naglalakad? Kasi nagpa check up ako sa OB ko last saturday sabi ko may concern ako kasi lagi naninigas tiyan ko tapos may time na maglalakad lang ako tapos sumasakit pwerta ko and puson tapos pinahiga niya ako for IE tapos yun nga nakabukas ng konte yung sa pwerta ko pero dipa naman umabot ng 1cm then binigyan niya ako ng pampakapit muna. Pero till now may time padin na minsan pag naglalakad di maiwasan sumakit yung puson ko. Kinakabahan lang ako baka manganak na ako natatakot ako for baby kasi mahina pa daw baga niya kapag ganto. Pls help mga momies ano dapat kung gawin para di muna lumabas si baby. Sabi ni doc kung pwede hintay pa daw ako ng 6 weeks para dina mahina baga ni baby. Thank you in advance sa mga sasagot momies #theasianparentph

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Bed rest ka lang Mamsh, kasi sa akin suhi si Baby and sobrang baba ng placenta ko kaya advice din ni OB wag ako magkikilos masyado dahil napaka delikado daw po. Thank God kasi never naman po ako dinugo kahit di ko pa alam na ganon na pala sitwasyon ko. Sundin mo lang kung ano sabi ng OB mo. God Bless!

Magbasa pa