11 Replies

Wag mo pakinggan papa mo. Hayaan mo na lang sis, di naman siya makikisama eh. Ganyan talaga siguro culture sa Pinas hahaha. Kahit kami ng fiancee ko eh, gusto ipakasal agad-agad kasi nabuntis ako pero nung kinausap naman namin, nagets naman. They have to realize na di nila desisyon yun kasi buhay mo yan and walang divorce dito hahaha. Ignore mo na lang papa mo, sabihin mo siya magpakasal kung pupush nya pa hahaha joke lang.

Malapit ko na sabihin sis haha. Jusko ee ok nman tatay n baby may communication at sustento maliban ngayon kasi ECQ wala trabaho wala dn bukas skanila n money transfer. Kaloka.

You can be parents to your child kahit walang kayo, kahit di kayo kasal. As long as nagagampanan nyo ang mga responsibilidad nyo, as long as nandiyan kayo para sa bata para hindi nya mafeel na wala siyang parents walang mali doon. Piliin mo momsh yung sitwasyon kung saan ka magiging okay at masaya 😊

LOL. Mas pangit tingnan kung kasal kayo pero walang love in between. Ano? Magpaplastikan kayo sa harap ng mga tao at sa anak niyo?. O tapos pag nagkagusto si boy sa iba edi may kabitan na magaganap, malalaman ng tatay mo, o edi mas pangit tingnan. Mas okay na kamo di kayo kasal pero buo sustento niya. Parang mas iniisip ng tatay mo image nya sa iba, kasi parang matatapakan pagiging tatay niya dahil nabuntis ka. Watta a mindset.

Wag kng pumayag sis, lalo n kung hindi ka naman masaya. ako nga kasal, pero feeling ko di na ako masaya,1 yr plng kami kasal,.parang nawawala yung love ko sa kanya, parang may kulang.. Dumarating sa point na ngsisisi ako bakit ngpakasal ako sa knya,. May baby na kmi 1 mos and 23 days na sya😘.

Ayan ayokong dumating kami s point n yan.. Kawawa si baby if ever. Mas mabuti nang ganto set up nmin may maayos n communication para kay baby at nagsusustento nman sya lahit malayo sya.

VIP Member

Sabihin mo sa papa mo pwede naman po na maiapyelido sa tatay yung bata,affidavit lang need saka sa ospital na inaasikaso yun. Ganun yung baby namin ni LIP, di pa kami kasal pero naka-apyelido na sa kanya anak namin :)

Yan dn gusto ko ipaintindi skanya sis. Iba n panahon ngayon basta my acknowlegdement ung tatay at pipirma s BC n baby pede yun khit hndi kasal.

May ganyan talagang mentality ung iba momsh, pag buntis kasal kagad. Pero if di mo na mahal wag nalang kasi kayo din mag ssuffer sa huli lalo ung baby niyo tho lahat yan may affect sa future ng baby.

Yes mamsh, yan din naiisip ko pag pinush un kawawa ang bata sya lang maapektuhan sa hndi nmin magandang pagsasama kaya oky n ko sa gantong set up nmin maayos walang komplikasyon para kay baby.

Wag kang pumayag mommy or you’ll forever regret it. Now Im saving alot for my annulment. 😒😒😒😒😒

Wag na mommy please, learn it from me. Hindi sa pagiging nega ha pero annulment these days costs 250k++. Mura at madali magpakasal pero napaka hirap ipawalang bisa. Hays!

Matandang nakaugalian na yan. Ganyan din mga parents ko. Nakakahiya daw pag hindi kasal. Nakakainis. Sobra.

Kaya nga ee. Ayokong mainis peo kasi kailangan nya maintindihan hayyyst.

May I ask mommy kung bakit kung kelan may anak na kayo saka nawala ang love for each other??

Ako kasi na-fall out of love din dahil sa mga pagkukulang niya. Okay naman kami ngayon. Pero I'm not quite sure kung siya pa yung lalaking gusto ko makasama sa future 😂

iniisp lang xguro ng dad mo na mas better n may complete family ng anak mo dunno

Yes mamsh, peo pareha po nmin hndi gusto ikasal haha sana magets nyo po. Ayoko ipilit ako s taong di ko mahal at di n din ako mahal. We have communications at maayos kami para kay baby lang yun. Yung samin wala na peo masaya nman.. Kesa ipilit nmin ung gusto ng iba ng papa ko para lang makasal hndi nman kami magiging okay at masaya. Hindi man kami maging maayos s isat isa but we are matured enough to be a good parents to our child.

Wag kang makinig sa papa mo sis ekaw lang ang mahihirapan sa huli.

Yun nga po ee..

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles