Baby Blues/ PPD

Mga mamsh. Thank you so much sa support. Umokey ang pakiramdam ko kasi alam ko na may nakakaintindi saken, sa nararamdaman ko, sa pinagdadaanan ko. Na hindi to arte lang, na tinoyo lang ako, na nababaliw nako. Hindi ko man nakuha yung suporta na kailangan ko sa asawa ko pero ayos na din kase may nakinig at dumamay saken dito. Right now, I'm establishing my bond sa baby ko, sinisikap ko na intindihin at ibigay yung alagang kailangan nya. Tanggap ko na na hindi man ako maging perpektong ina o hindi man ako makacope up agad sa changes na nangyari saken, hindi ako susuko para maging mabuting mommy sa kanya. I'm trying to be positive at oo kapit lang kay God. Lilipas din to at magiging okey lahat.

 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply