MIL & FIL
Hello. mga mamsh! Tanong ko lang sa mga di pinalad sa mil at fil nila. naranasan nyo na bang pinagdamot si lo nyo sa kanila dahil gusto nila sila palagi nag babantay kay lo?

Ako kahit gusto kong ipagdamot hindi pwede kasi hindi ko kaya magisa lalo pag nasa work asawa ko. Twins baby ko at literal nakikipagunahan sakin sa pagpapadede kay baby ,kesyo iformula na lang lage dahil konti breastmilk ko. Tuloy minsan pag dede na nila sakin sandali na lang dahil formula agad inooffer. Sa pagpapainom ng vitamins , pagpapaligo tapos pagiiyak magmamadali syang kuhain. Minsan napatulog ko na biglang mawawala sa kwarto yun pla kinuha na.Masama pa nun kapag may bisita hindi man lang magpasabi sakin kung gusto ko bang ipahawak baby ko sakanila. Basta sya bigay lang, hindi man lang nya naisip na baka makakuha ng sakit mga baby ko dun. Atat na atat na ko umuwi samin kasi don ako talaga masusunod. Nasa abroad kasi mama ko kaya no choice dito kmi tumira. Hays.
Magbasa pa