Pamahiin

Mga mamsh tanong ko lang, bawal ba mamili ng gamit ni baby kung wala pa 8mos ang dinadala? Sabi kasi ng iba bawal daw baka may mangyari na masama.

37 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Isa lang kase paniniwala ko e. Si God lang. Siya nag bigay saken ng blessing kaya siya rin ang may alam kailan niya kukunin. Hindi sa pamahiin. 4 mons palang nag iipon nako gamit. Kasi pandemic pahirapan niya. Wala naman masama don. As long as na bili lahat hindi nakaw hahachar. Sa kapampangan nga "Ing Guinu yang meg lalang keng tau. At iya mu rin ing atin upaya mangwa kaniti ali ing kasabyan da reng mamgatwa" sabi sabi lang yon hehe para saken lang ho. Kase di ako naniniwala mas naniniwala ako kung oras na. Oras na 😊

Magbasa pa
5y ago

wapin po.😊

Ako nga di ko pa alam gender namili nako ng newborn clothes 4months palang tyan ko nun tas nagpaunti unti ako kaya nakaipon tas nung nalaman yung gender dami din nagbigay ng gamit sakin. Mas maganda hanggat maaga makaipon kana mahirap isang biglaan mabigat sa bulsa. Pag paunti unti di mo masyado ramdam ang gastos.

Magbasa pa
Super Mum

Pregnancy myth lang po yan mommy. Wala naman pong scientific basis about dyan. Namili kami noong 5 months tummy ko, after namin malaman ang gender ni baby. The earlier, the better para kahit papano kahit paunti unti may nabibili na kayo gamit ni baby. Para relax ka na lang habang hinihintay sa paglabas si baby.

Magbasa pa
VIP Member

Hindi naman momsh. Mas maganda ngang nakakabili na ng gamit ng baby kahit paunti unti like mga baru baruan, para hindi kayo mabigatan kung minsanan niyo bibilhin . Wala po katotohanan yun 😊 tamang pag aalaga lang kay baby habang nasa tummy pa siya

Gaya nga ng sabi MYTH lang, so nasayo if sususnod ka or hindi. Kami 7moths namili even sa first born ko kasi Myth so wala naman masama if susunod or hindi pero if may pang bili kana at gusto mona unti untiin okay lang din naman.

6months pa nga po akung buntis bumili na mother inlaw ko ng gamit ni baby first apo kasi..hiling ko lang inshaAllah healthy si baby at d ako mahirapan manganak sa kanya at normal🥰☝️

Post reply image

Mama ko nga po mas excited kesa sa akin. Bumili npo sya nang damit ni baby😂. Ako nmn naghahanap na sa shopee, yun palagi libangan ko pag walang ginagawa. 4months preggy po and FTM.

Ndi naman. Sa panahon ngayun maigi yung pa konti konti ang pagbili hanggang sa macomplete na lahat ng gamit. I started buying for my babies 20wks nako after the gender reveal. 😊

I started at 5months and I don't see anything wrong with it. Wala din nangyari anything bad to me and my baby. Honestly, pagdating sa pamahiin mas matibay ang pagdarasal.

VIP Member

Nun nalaman ko po ung gender ni baby ng 5months namili na po ako. Tama c mommy, mhrapan ka na kumilos at ihanda lhat ng gmit pag malaki na tyan mo saka mo pa aayusin