Post partum

Hello mga mamsh, sobrang nalulungkot talaga ako, wala ako mapagsabihan, and sobrang konti ng friends ko na may family na and i doubt na maintindihan nila ako kasi wala pa sila pamilya. Paano ko ba to malalampasan? di na ako makakain ng maayos, wala akong katuwang sa pag aalaga ng baby ko, asawa ko di ako matulungan sa sobrang busy sa work. Hayyys

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Be strong po. Kahit ako halos di matulungan ng partner ko sa pag aalaga ng baby. Ako lang lagi yung puyat. Pag umaga ako pa din ang nagaalaga kay baby. Dinugo na nga ako and nanakit buong katawan. Binat daw yun. Pero push lang para kay baby. So pilitin mo kumain kasi baka mabinat ka, pag nagpapahinga si baby, magpahinga ka din. Very dependent sayo si baby kaya di pwedeng magkasakit. Kaya mo yan mie. Nakaya natin yung 9 months na dala dala si baby, nakaya yung sakit ng labor , yung sugat at pagod after lumabas si baby. kakayanin mo din yang pag aalaga kay baby kahit walang katulong. Goodluck po and Stay healthy and safe kayo ni baby mo.

Magbasa pa