Muntik mag pass out
Hi mga mamsh, share ko lang po experience ko kanina grabe kinabahan ako. Before ako kumain alam ko may iba akong nararamdaman na, after ko kumain ganun parin pakiramdam ko mabilis tibok ng heart parang nagpapalpitate. So after namin kumain sa in-laws ko, nag bless na ako kay Mama mejo napayuko ako sabay angat ng ulo ko. Ayuuun! Naramdaman ko feeling ko namumutla na ako at naging light headed yung pakiramdam ko, nabibingi narin ako at nagbablack out na paningin ko. Naisip ko agad humiga left side agad ako mga mamsh, tpos amoy amoy ng katinko nakapikit lang ako at nagdadasal after ilang minutes umokay na pakiramdam ko. Natakot talaga ako kasi sa unang baby ko which is 6 years old now, naalala ko non naglalakad kami sa palengke ganun din naramdaman ko. As of now naman malakas parin ang kick ni baby sa loob ng tummy ko. Share ko lang para alam din nung ibang mamsh yung gagawin. Basta number 1 kung alam mong magbablack out kana, umupo o humiga agad at magsabi sa mga kasama. Magpahinga wag magpanic. Presence of mind lang. Yun lang po salamat ππ
Mommy of 1 fun loving prince