Family problem sa side ni Husband

Hi mga Mamsh! Pa rant lang, buntis ako ngaung ftm 7 months preggy mejo stress ako dahil sa Kapatid ni husband na biglaan nag confessed samin na preggy din pala 5 months na (menor de edad) For long story short, nabuntis ung Kapatid niya ng bf niya saka nung una ok naman kausap ng byenan ko ung bf pero parang biglang nagbago na parang ayaw na yata panagutan. Edi! Ngaun, namroblema kami lahat Kasi Wala naman work c byenan para matulungan Sana ung anak. Ngaun c husband pa din Ang tutulong financially sa Kapatid niya at eto nga kami na halos humaharap pa din sa gastusin at malapit na din ako manganak. Tapos, balak ni husband na itira dito ung Kapatid niya sa Bahay namin para lumayo nga sa bf para di ma stress gets kona naman e. Pero, tinanung pa din niya ako about dun kung gusto ko daw magsama sama kami nung Kapatid niya at c byenan dito sa Bahay diko nakasagot Sabi Naman niya ok naman sa kanya kung ayaw ko at asawa niya ako (Wala din kasi kwenta ung pagbubukod namin kung pati Kapatid niya ititira niya dito sa Bahay) c byenan naman pansamantala lang dito makasama ko hanggang sa manganak ako. Sa totoo lang, diko na alam gagawin ko kasi sobrang bait at matulungin ng husband ko sa pamilya which is good, but is bad ung halos sobra naman na alam naman niya na may asawa na siya. Parang gusto ko nalang ulit bumalik sa work Ang hirap umasa sa asawa Kasi Pati kapamilya niya asa pa din sa kanya. May work ako before, halos karesign lang kasi nga nag sama na kami ni husband for good at magkaka anak na nga (6 years LDR). Ano sa tingjn nio mga mamsh?!

2 Replies

Sabi nyo po, tinanong naman kayo ni hubby nyo at nagsabi na "ok naman sa kanya if ayaw ko at asawa nya ako", so sinabi nyo na po ba sa kanya na ayaw nyo talaga? If not, then sabihin nyo na po asap, otherwise he might start thinking na ok lng sa inyo. Tama po kayo na sobrang bait ng asawa nyo, kaya nga pati kayo ay tinatanong nya muna kung ayos lang sa inyo. Kausapin nyo lang po sya. Kahit na yung sa pagstay ng mil nyo, kung ayaw ay sabihin nyo lang po. Kausapin nyo po muna sya ng tapat, pati iyang kagustuhan nyong magback to work. Communication is the key.

mas maige po nag usap kayo . Tska sna nirespect dn ng asawa mo Yung side mo . kung okay man lng po ba sayo. hays

Trending na Tanong