Solo mag alaga ng newborn baby

Hi mga mamsh! Pa enlighten naman ako at phingi na din advices sa mga tulad ko na FTM. May mga FTM po ba dito na halos siya lang nag aalaga ng newborn baby. Bale Po kasi, may asawa po ako kaso sa manila Ang work niya and once a week lang uwi niya. As of now Po, 1 month na ung baby namin may kasama pa naman ako mag alaga byenan ko (nanay ng asawa ko) Kaso pauwi na din ng probinsya Kaya maiiwan kami ni baby na dalawa nalang. Nagbago na din kasi isip ko na umuwi o sumama pauwi ng probinsya at nagka phobia ako dahil last November nagka pneumonia c baby. Tapos, halos nababalitaan ko pa sa probinsya namin na halos nagkakasakit Ang mga Bata ubo't sipon + may dengue outbreak pa may namatay na Bata Kaya halos ayoko talaga umuwi samin sa probinsya. Halos, nag dadalawang isip ako na ako sumama pauwi. Enlighten nio ako mga mamsh, kung ano ung best decision na dapat Kong gawin at Kaya lang ba mag alaga ng 1 month baby kahit mag Isa diba nakakatakot?? Pa advice ako mga mamsh. TIA! 🙂

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Well, nagagawa naman ng ibang mommies ang mag-isa lang, although tiyak na sobrang laking hirap and personally, hindi ko alam paano nila nagagawa 😢 Depende po sa inyo kung kaya nyo tiisin mag-isa, pero sa pagkakasakit ni baby, para sa akin ay nasa pag-iingat rin po kasi iyan. May mga sakit naman po kahit saan kayo magstay. Just make sure na complete ang vaccinations ni baby, practice good hygiene and make sure healthy sya. In the end, timbangin nyo na lng po kung saan kayo mas magkakaroon ng peace of mind ☺️

Magbasa pa

yes kaya po. ako po ako lng nag alaga sa baby ko kht nandyan byenan ko. d din nmn ako mkahingi ng tulong dhil busy sya sa tindhan nila. so ako lng tlaga nag alaga. kinaya naman mamsh. bsta pg tulog si baby, sabayan mo. kht idlip idlip k lng. nkakaregain ng energy kht idlip lng. o kya pag tulog sya tsaka ka gumawa gawaing bahay. laba damit pakonti konti, hugas etc. ganyan gngwa ko. nkaraos nmn. 4 yrs. old na sya at ako pdin mag isa nag aalaga

Magbasa pa
12mo ago

saludo ako sayo mommy!