39 Replies
ako so far di naman nagkapimple break down. pero nagkaallergies ako sobrang dami. naalis din weeks dn bago maalis pero pimples wala naman po. wla dn ako ginagamit na skin care basta hilamos lang po lagi ngmga normal na sabon. d rin po ko nagkastretchmarks im 35 weeks na po at mag36 weeks na netong june. wash lang kayo lagi ng face momshy tas try niyo po yung Fun-G soap nasa mga drugstore yun eith tea tree oil safe naman daw para sa buntis kasi antibacterial sya and mild lang yung ginamit ko before sa allergies ko pwede sa pimples, allergies body odor at underarm 😊 nasa 37 po ata bili ko.non sa mercury.
nung first trimester ko oo dami kong pimples. pero nawala din sya pagpasok ng 2nd trimester. tinanggal ko lang usual skincare routine ko. tinira ko lang yung hilamos (paraben-free cleanser) tsaka moisturizer (jeju ice gamit ko pero nung di pa ako buntis yung aloe gel. nagdry kasi skin ko nung buntis ako)
yes, sobrang dami talaga ngayon. papasok na ako sa 2nd trimester at ang chaka tingnan sakin. as in tadtad yung face ko ng pimples unlike dun sa previous pregnancy ko with my 2 boys, wala talagang ka pimples2x, ngayon na pag 3rd pregnancy ko, naglabasan.
Yes, kaso sa baba lang akin. As in napaka tagal bago matuyo. If matuyo man, may tutubo ulit haha! Wala akong ginamit na facial keme, safe guard lang talaga. Ayun nawala di na rin bumalik hanggang ngayon, 29weeks nako. 🤰
Yes, lalo na ng 1st trimester, my pekas pa mukha ko😅😅 hinayaan ko lang d ako naglagay ng kng anu anu sa mukha ko baka lalong dumami. Awa ng diyos ok na ulit mukha ko ung pekas nlang ang natira😅
ganyan din ako ginawa ko di yung ph care lactacyd yung ginagawa ko pansabon sa mukha🤣🤣 di ko sya ginagamit sa pempem ko kasi sabi masyado daw matapang.. kaya mukha ko isa nlng natubo na pimples
Use cetaphil or baby wash. Hinahayaan ko lang matuyo noon though di naman ganun kadami po. Minsan finadaan sa make up pag umaalis. Ellana brand medyo pricey pero magnda and safe sa buntis 😊
Yes sobrang dami sakin nung first trimester ko. Parang tigyawat na tinubuan ng muka HAHA. Pero ngayon 36weeks na nawala na ☺️ kusa po yan mawawala basta wag mo lang po tirisin ☺️
Nun preggy aq s eldest q hnd s mukha kundi s dibdib.. Peo sbe ng Ob q nub natural lng dw at mwawala dn pg nanganak kya hnyaan q lng. Peo s 2nd pregnancy q wla khet isang tgyawat
Since bwal ang mga rejuvenating & exfoliating sets sa mga buntis, kojic lang ang ginamit ko s face ko to control my acne. Ngayon n nagpapadede ako, ryx skin set na ang gmit ko..