UTI, 2months preggy

Mga mamsh kakacheck up ko lang, and nalaman na may UTI ako at may harm daw yon sa baby ko. Lagi daw ako kumain ng may sabaw ng malunggay at umiwas sa maalat na pagkain. Meron na po ba sainyo nagkaUTI in Early pregnancy pero okay naman kinalabasan ni baby? Pahingi po advice kung pano malulubayan ng UTI at kung pano nyo po ito hinandle, salamat poo

16 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

3x ako nagka UTI nung first trimester ko. Nadala na talaga ko nun so umiwas ako sa salty foods, chips, juices at puro tubig tubig talaga. Hirap na hirap ako uminom ng tubig pero pinilit ko kasi iniisip ko si baby. May nagsuggest din sakin magtrim/shave ng pubes and ginawa ko nga. So far di na ulit ako nagka uti. Basta be mindful sa kinakain at iniinom and syempre take antibiotics prescribed ni OB. Sakin Monurol and Cefuroxime ang mga ininom ko na antibiotics.

Magbasa pa

buko and water ka lang mi, mas maganda buko pag kagising mo sa umaga and iwas ka din sa salty foods. ganyan din ako nung 3mos preggy ako pinag antibiotic ako ni ob tapos nung 7mos na ko may uti padin ako if meron padin ako uti need na magpa urine culture luckily 9mos na ko now clear na ko wala na uti, need kasi magamot yan kasi if hindi kasi magamot yan yung infection mapupunta kay baby. kaya sunod ka lang din sa ob mo mi

Magbasa pa

if mild UTI lang po sya more on water ka tsaka iwas sa maalat mga noodles at junk foods di namn bawal control lang kasi kayang iwash out yan basta more tubig ka lang po ayan po kasi advice ni OB ko sakin 1st trimester may mild UTI din po ako pero wala akong anti-biotics na iniinom increase water intake lang awa nmn po ni Lord 2nd trimester na po ako nawala na sya

Magbasa pa
TapFluencer

Buko juice and more water mommy . Ako nung nakaraan ang taas ng result ko sa uti kaso di agad ako chineck up ewan ko din baket kaya ginawa ko more water lang talaga di ko pa nga nainuman fresh buko . Tapos after a month nagpaurin test ako ulet and lumipat na ng pinagchecheck upan okay na ko wala na uti pero suggest padin is more water talaga

Magbasa pa

ako nmng 1st trimester ko muntik na ko makunan dinugo tlga ko gwa dw yun ng UTI ko kya ang ginawa ng asawa ko twice a week sya bumibili ng pakwan tapos sabay na dn ng tubig , ihi tlga ako ng ihi pag nauubos ko hanggang gabi kya may sarili akong arenola sa kwarto kakapigil dn dw kasi yun ng pag ihi kya nagkaka UTI

Magbasa pa

Ako mi. 1st laboratory ko may nakitang UTI. Nag water and cranberry juice kang ako. Sa mga sumunod na lab hanggang manganak wala ng nakita. Wag din magpipigil ng ihi amd make sure laging tuyo ang undies 😊

Dapat talaga kasi mi magamot ang UTI kasi baka mainfect si baby pag labas. Ganyan kasi nangyari dun sa kasabay ko manganak. May UTI sya na di nagamot kaya pag labas nung baby nya may infection

2y ago

Same tayo mommy sa baby ko paglabas di nakaihi kaagad. Nagka infection dahil daw possibly nagka last minute UTI ako 3rd trimester at di nagamot. Naging ok baby ko pero bumalik after 3 weeks dahil nagka UTI rin sya

Yung sa pinsan ko malala UTI niya and madami mga gamot na tinurok sa kanya ang ending medyo payat yung baby niya nung lumabas hanggang ngayon di nataba.

wag k mgpigil ng ihi kc un cause ng uti sa buntis daw sabi ni ob,, kya advice sakin more on water and my pinainum antibiotics 1 wek lng ,,,

Niresetahan ako mii ng OB ko ng antibiotoc (Cefuroxime) 1week intake and fem wash (gynepro) after a week retake ng lab ayun nag ok naman.