Hi mga mamsh im on my 35 weeks and 5 days, supposedly kasal na kami ni lip ng march 20 kaso naglockdown na ng march 15 and until now wala pa ring abiso yung simbahan na pagkakasalan namin kung pwede na magtuloy ng kasal. Yung budget namin para sa handaan nagastos na namin the past months ang natitira na lang is budget pampaanak ko next month.
If ever ituloy namin yung wedding without ceremony, makukuha ba agad yung Marriage Certificate para pagnanganak ako anytime may ipe-present ako sa ospital?
May nakapagsabi kasi sakin na paglumabas si baby ng hindi kami kasal for life na nakalagay sa birth certificate nya status namin na "not married" kahit i-update pa namin yun kapag naikasal na kami. Magiging dalawa daw birth certificate nya. Sana po matulungan nyo ako 😌