My Baby fell on bed

Mga Mamsh, I know kasalanan ko to dahil di ko sinecure masyado baby ko, 5 month old baby girl po sya. Bale kakatapos ko lang sya palitan ng diaper and tumayo lang ako saglit para kumuha ng pamalit nya. Medyo sa side ko po kasi sya nilagay and di ko agad sya nailipat sa banda gitna. Wala pa po saglit nung pag tayo ko, di ko napansin dumapa pala sya kasi kumuha ako pamalit nya sa drawer. Nahulog sya sa higaan namin ngayon lang, sobrang nanlamig ako kasi hanggang tuhod po height nung bed namin. Pahiga po pagkaka bagsak nya lakas po ng kalabog kaya agad ko sya binuhat at hinimas-himas yung ulo nya. Tumahan naman po agad sya nung binuhat ko and mga ilang minutes pinadede ko na po sya. Sa ngayon po karga ko lang sya pero nag latch pa rin directly sa akin and tulog na. Ano po dapat ko gawin? Need ko na ba sya dalhin sa doctor? Need ko lang sya obserbahan? Please sana may makapansin po nito. Yan po actual picture nya now. Ganado naman po sya dumede. #firstbaby #1stimemom #advicepls #pleasehelp

My Baby fell on bed
8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

same din po tau si babyq nahulog din las month ata un sa bed dn nmn gmpang tas umupo eh pagupo nia pahulog n sia dq na naslo pero nktaq pgkahulog nia.bnuhatq agad tpos umiyak sia kc nagulat s sgawq.kinapaq ung ulo nia awn ng dios wlng bukol ngworry dn aq kc bka nga ganun mga symptoms na nbbsaq pag nhulog..until npathanq sia tas pinainomq ng water..ok nmn sia..sb nla ok lng dw un kc sinlo n dw ng angel nia..at frstym n baby mahulog

Magbasa pa
4y ago

Opo mamsh, naniniwala din ako di sya pinabayaan ng guardian angel nya. May maliit lang po sya bukol and masigla pa rin sya at malakas dumede.

Kung nagsuka si baby, nawalan Malay Pag k laglag it's a must n mkita ng pediatrician. Kung wala nmn sign n gnito observe po Kung mgging antukin si baby n sobrang hirap gisingin, nwaln gana kumain , tumamlay or suka ng suka dalin po sa Dr. pg nkitaan ng gnito as per pedia namin. last time nalglag kaptid ko na baby din. lagyan mo n lng cold compress sa bukol para mawala.

Magbasa pa
4y ago

Opo Hindi ko po sya pinatulog.

kamusta napo si baby? hayy nahulog din po kasi kaninang midnight si LO and wala naman syang bukol or what di din sya nag suka or wala naman bago sa mga ginagawa nya at wala din kaming narinig na kalabog nung nahulog sya. pero hindi ko maiwasan na magisip po. hope na okay po si LO nyo💕

4y ago

Same po tayo ng nararamdaman di ko rin maiwasan mag isip. May maliit ng bukol po sya pero wala naman nabago sa kanya. Masigla and malakas pa rin po dumede.

Ganyan na ganyan nangyari sa anak ko momsh, sa gilid ko siya nahiga kukuha din sana ako diapers dumapa siya pahiga din bagsak..wag mo patulugin agad mommy observe mo kung may kakaiba sakanya like nagsuka or matamlay ipatingin agad kay pedia

4y ago

Sa awa ng diyos wala naman po kakaiba sa kanya. May maliit na bukol po sya pero masigla and malakas pa rin po dumede.

VIP Member

Last month nahulog din si LO ko sa bed sis. but hopefully wala NAMAN bukol, and Matakaw NAMAN Sya mag dede and Masigla NAMAN! Sana walang problema. Sana maging ok si baby mo

4y ago

May maliit na bukol po sya pero masigla naman and malakas po dumede.

pagnahulog po ang baby,d po dapat pinapatulog agad,at obserbahan po 24 hours,pagsumuka siya ipatingin agad sa doctor

4y ago

okay sya,matubig pa kasi mga ulo ng bb, kung baga napapalibutan pa ng tubig ang brain nya,normal lang ang bukol,

kawawa naman si baby..obserbahan nyo po mommy kung may pagbabago po sa kanya. check always po... hope ok si baby.

4y ago

May maliit na bukol po sya pero wala naman po kakaiba sa kanya sa awa ng diyos malakas pa rin sya dumede and sobrang daldal po. Pero yung konsensiya ko dahil di ko na secure safeness nya nandon pa rin. Kaya hinahalikan ko lagi ulo nya para ma comfort ko sarili ko. 😭

Mommy sa mga nabasa ko ang sabi nila wag daw patulugin pag nabaldog. Patignan mo na sa doktor si baby.

4y ago

Opo Mamsh, di ko sya pinatulog. Bale naka usap ko na po pedia nya observed daw po for 24hrs kung may pagsusuka and tulog ng tulog or mga unusual kay baby.