placenta previa no more

Hello mga Mamsh! Just happy to share lalo na sa mga may placenta previa jan na case. 12 weeks pregnant ako nun nung nadiagnosed ako na may placenta previa at pinagbed rest ng 3 weeks. Nag-spotting kasi ako nun. Pgbalik ko ganun pa rin. Then nung 16 weeks inadvised na naman ako another 4 weeks kasi naging placenta previa totalis na. In short, 2 mos ako bed rest mga mamsh. Iniwasan ko ang stress at pagod at totally higa lang tlga ako, 20 mins nka elevate ang legs at tumatayo lang ako pag mgccr. Nagshoshower rin ako ng nakaupo kasi gusto ko na umakyat placenta ko. Sa bed lang din talaga ako kumakain. Today at my 20 weeks, nagpaultrasound ako. THANK GOD! Normal na placenta ko. Umakyat na. Nakakaiyak sa tuwa mga Mamsh. Wag mawalan ng pagasa may mga placenta previa kasi aakyat din yan. Tiwala sa Dios at dobleng ingat lang.

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Dobleng ingat parin mommy. Thank God! 😍