13 Replies
momsh, kung nagigipit papala si hubby ngayon wag ka na muna magresign. napakaimportante ng work ngayon. kame ng hubby ko nakabukod na at wala sinusupport na mga inlaws at kapatid since lahat naman may asawa na pero nasshort pa din. high risk pregnancy ko ngayon at hindi ako binibigyan ng clearance ng OB ko to go back to work. lahat pasan pasan din ni hubby. mas awang awa ako sa kanya ngayon kase niraraos nya lahat. di din ako nagreresign kesehodang maubos na lahat ng SL at VL ko ang mahalaga e may work ako na babalikan. gusto ko man mag business kahit mga online selling lang di ko magawa kase naubos na din savings ko sa mga gamot at iba pang expenses. Kung regular ka sa job mo wag mo ilet go. pagusapan nyo ni hubby mo ng maayos. maganda naman ang plan nya kase magkakasama na kayo. try mo muna apply kapag natanggap ka na sa wfh na inaapplyan mo saka ka magresign and magsama ni hubby. pero yung wala pa tumatanggap e wag ka muna magreresign.
Hi sis, mahirap maghanap ng work sa manila ☺️. same situation tayo before, pareho kami ni hubby na taga province and dito siya nag wowork sa manila every weekends lang siya umuuwi. Hindi pa ako preggy that time, pinag-resign ako ng hubby ko sa dati kong work sa province para magkasama kami dito sa manila 😊. Gusto ko lang sabihin na wag mong igive up yung work mo, April pa since lumipat kaming mag-asawa ng bahay dito, hanggang sa naging preggy ako hindi ako nakahanap ng work. Dun na pumasok sa isip ko na sana hindi na lang ako sumama dito, sina tinuloy ko work ko. Nung nabuntis ako lalo akong nawalan ng pag-asa na makakapagwork ako dito. Nagmadali kami both sa pagdedesisyon na magsama kaming dalawa, at iwanan yung work ko. Ending lahat siya ang sumasalo ng expenses namin kasi wala akong work 🥹.
Wag mo igive up work mo, Sayang din kasi yan. madaming dapat iconsider. Di naman kami kinakapos kahit si hubby lang nagwowork samin kasi maganda naman work niya, pero kahit ganun iba pa din kapag pareho kayong may work. kaso ako, di ko na maibabalik yung work ko dati. as of now fulltime housewife muna ako 😊.
Una sa lahat wala ng wfh, believe me galing ako sa wfh bubg 2021 at nung nabuntis ako nag resign ako dahil need ko bedrest because if subchrionic hemorage. Tas ngayong nanganak na ako nag aapply ako ng wfh wala na talaga dahil balik na lahat onsite ang trabaho. Pangalawa buntis ka sigurado ka bang ka kayanin mo ang puyat at pagod even na sabihin natin nakapag wfh ka kahit sabihin mong upo ka lang, stress at puyat kalaban mo. 3 bakit parang minamadali ng asawa mo yung pag tira nyo sa manila? Hindi ba pwedeng after mo nalang manganak lalot di pa sapat yung financial expenses nyo to live in Manila? Pag usapan nyo rin mabuti mag asawa lalot mag tatake risk kayo na buntis ka.
Nagka biglaan lang din kami sis, balak lang Kasi namin manganak ako sa manila + mag rent ng Bahay kaso napaisip kami Sayang ung upa namin kaya naisip namin na maghanap ng rent to own na Bahay para di naman Sayang ung upa kaso habang papalapit ung araw o buwan na pagpunta ko sa kanya ang Dami Kong iniisip na dapat iconsider
if gusto niya magsama kayo, need niya bitawan yung pagpapaaral sa 2 niyang kapatid at pwede naman magbigay ng kahit mgkano na sosobra sa budget niyo. kailangan talaga my isacrifice siya, pero hindi kayo ng magiging anak niyo ang dapat mgsacrifice, kase unang una palang. nagpakasal siya sayo, that means ikaw na ang priority niya at ang magiging anak niyo. it's his responsibility to build a home with you. it's okay to help pa sa family, pero not to the point na kayo na ang mahihirapan financially. sana maging open si husband mo sa ganito at makarealize siya na dapat kayo ng magiging anak niya ang top priority niya.
True mahirap po mag hanap ng wfh ngayon. Ganyan din po scenario namin. Di pa po kami nag sasama kasi gusto namin maging practical and yung work nya malayo dito taga QC kasi ako tas sya Rizal. Wala naman po kami ibang gastusin sa kanya kanyang family namin pero kung san muna makakatipid dun muna. Nag hahanap din sya ngayon ng wfh para raw makasama na nya kami kasi laking tipid nga pag wfh din, e ako wfh naman so walang problem. Kaya tiis muna kami ngayon na LDR habang wala pa sya nahahanap na wfh. Stay ka muna sa work mo mas okay pa rin na may sarili po na income and work para po kay baby. 😊
Yun nga din iniisip ko sis, kaya nagdadalawang isip ako kung mag resign ako or mag mat leave lang before manganak para may work pa din akong babalikan
Ang hirap naman nyan. Papagresign ka nya para magkasama kayo pero di ka nya kayang isupport ng solo na walang kahati. Buntis ka po, mas lalong di ka makakapagwork o hanap ng work pag nanganak ka. Walang mag-aalaga sa baby nyo at need mo pa magrecover. Parang ang dating po if kanya-kanya kayo, sweldo nya mostly napupunta sa pamilya nya tas sweldo mo ung panggastos mo sarili mo. Pinapahirapan ka nya sa situation, wag ka po magresign. Magsisisi ka lang po. Baka dumating sa point na pag-awayan nyo ung pera at sumbatan ka nya.
Napagkasunduan po kasi namin na magsama na po sana kaso pinipilit niya na maghanap ako ng WFH para kahit papano may makatuwang siya sa mga gastusin kasama ko po mother niya (byenan ko) pag nanganak ako at makakasama namin sa bahay bale siya makakasama ko sa pag aalaga sa Bata dahil 1st time mom po ako.
Sis, wag ka mag resign, sayang work mo. Mahirap makahanap ng wfh ngayon. Lalo pa sinabi mo na sinusuportahan nya din magulang at kapatid niya. Yes, walang masama tumulong pero now na may asawa na dapat priority na ang asawa. Dapat pag usapan nyo maigi ng husband mo yan. Yung gastusin lalo na kung nanjan na c baby mas malaki na yan. Tapos may kukunin pang pasalong bahay, pano mo sya matutulungan kung pagreresign ka nya sa work mo. Mahirap walang work sis.
Thank you sis for enlighten 🙂
hi sis. wag ka muna mag resign. mahirap humanap Ng wfh specially pregnant ka Kase those recruiter know na you'll have to take maternity leave agad eh bago ka palang, baka walang kumuha sayo lalo kayong mahihirapan financially. Talk to your husband about your concerns para maayos niyo. Malay mo after niyo mag talk kausapin niya mom niya and biglang mag work mom niya kahit sandali lang until manganak ka at least makatulong Ng konti.
diko yan naisip sis dahil nga gusto niya maghanap ako ng WFH daw which is na pressure talaga ako maghanap hanap pero nag try pa din ako
Hi sis! I suggest wag ka muna mag resign sa current work mo unless may makuha ka nang bagong work. Sad as it may seem, pag nalaman ng pinag a-apply-an mo na buntis ka, possible na hindi ka nila i-hire. At least dyan sa work mo, stable ka at pwede ka makakuha ng meternity benefits. Explain this to your husband, but be open na hindi nya yan tatanggapin. Sa mga ganitong panahon, he needs to be practical.
Yes sis, sinabi ko na nga din sa kanya na wag na Lang siguro namin ituloy na magsama muna at kunin ung pasalo na Bahay Kasi siya o kami Ang mahihirapan e. Kaso, nagalit lang siya sakin, Kasi ako nagpumilit na magsama na kami at willing naman siya kaso andaming need iconsider Lalo na ung mga gastusin namin + family pa niya kargo niya😟
Mahirao maghanap ng work from home dito sa Manila sis, and isa pa buntis ka dika niya pwedeng pilitin dapat na mag work kase may dinadala kang bata. Kailangan naten iwasan na ma stress kase yong baby din kawawa sa poob ng tummy po naten. Dapat nga sayo dika na nagwowork dahil ganyan nga na buntis ka.
yes sis! sa totoo lang willing naman ako igive up tong work ko kaso nga lang andami ko pa din need iconsider which is kargo pa din niya family niya nahihirapan ako talaga sa ganyang sitwasyon. Gusto ko nga enjoy tong pregnancy journey ko kaso may kasamang pressure Wala din😟
Anonymous