31 Replies

Nagkaron si LO ng ganito lately he is prescribed by his pedia relizema or atopiclair. Much better to bring sa pedia para maassess mabuti ang dapat ilagay topically and better mild cleansers. Avoid kissing muna kahit nakakagigil and kung may bigote or balbas ang daddy much better iiwas muna ikiss ang baby baka naiirritate.

TapFluencer

mi tyagain nyo lang po sa pagligo si baby sa araw and punas sa gabi. sa pawis + alikabok din siguro yan make sure na malinis nalang po yung higaan nia and pati yung humahawak maglagay nalang po ng lampin sa dibdib. Yung ganyan ni baby ko pawala na din, nagkaron kasi sya ulit nung 2 months sya

ilang months po si baby?meron po talagang tinatawag na baby rash dahil nagdedevelop ang immune system ni baby.better consult a Pedia lalo na kung may kasamang lagnat at iba pang symptoms ang rashes. c LO hindi hiyang sa Lactacyd kaya nagchange kami ng ibang product.so far hiyang sya sa Enfant

nagkaganito baby ko nung 2 weeks old mas madami pa pinacheck ko sa pedia sabi normal daw up until 1month di nga ako niresetahan ng pampahid basta pagliliguan daw wash din daw mukha tapos punas daw ng cotton na basa ngayon 3weeks going 1 month na sya pawala na..

may ganyan din baby ko. mas marami pa at diko alam san nya nakukuha yan . marami na kame na try na soap at ointment pero wala parin. pero now nag try ako ng baby cream ng oilatum so far mejo nawawala sya sana mag tuloy tuloy na 🤞🤞🤞🤞

slamat momshie sa pagsagot.. cge tatry ko din kay baby

VIP Member

ganyan si baby kon nun. allergy sa milk nya kasi bottle fed cya. nung nahanap ko na ung hiyang nyang milk, okay na cya. clear na ung skin nya. if breastfeeding po sya moms, baka may nakakain kayo na allergy nya. un po kasi sabi ng pedia ni baby.

Hello mii.. try nyo po aveeno baby wash.. yung baby ko kasi may eczema though mas malala jan, inadvise kami magpalit ng soap.. baka humiyang dn baby nyo sa aveeno

change bath ka mii ganun ginawa ka ko kay lo di kasi siya hiyang sa old na gamit namin ngayon sa Tinybuds rice baby bath ganda ng skin niya makinis pa ☺️

neonatal acne po tawag jan normal po yan sa mga newborn try nyo po mustella products highly recommended medyo pricey lang po pero maganda naman

TapFluencer

nagkaganyan din si lo ko during her 1st few weeks. ngayong 1 month sya wala na 😊. ung binigay na ointment ni pedia di ko man din nagamit.

Trending na Tanong

Related Articles