Wala ako masabi sa PPD na part. Hindi ko pa kasi naranasan. No. 1 tip pag tulog si baby, matulog ka rin. 😂 Most of the time tulog naman ang mga baby eh. Huwag ka magpalipas ng gutom, drink a lot of liquid. Dapat naka tabi na saiyo iyong mga kailangan mo like tv remote, phone, books, charger, foods and drinks para hindi boring. Pwede mo muna kalimutan mga gawaing bahay pag pagod ka, ‘wag na huwag mo pilitin sarili mong gumawa ng ka cheche burehan sa bahay. Get some rest instead! More cuddles kay baby. Wala na ako maisip atm. 😅 Anyway, assuming na umuuwi husband mo. Share ko lang kung ano ginagawa namin ng asawa ko. Pag may trabaho siya, ako nag-aalaga kay baby hindi ko siya dinidisturbo sa madaling araw. During the day, siya ang nagluluto at ako nag cacatch up ng sleep. Siya nag babantay kay baby pag tulog ako. Siya nagluluto, ako naghuhugas ng plato pag hindi ako naka hands on kay baby. Tinutulungan niya rin ako e nappy change si baby kasi ako daw lahat sa madaling araw at pag nasa work siya. Dahan-dahan din kami sa paglalaba.
Magbasa pa