Twice UTI Diagnose
Mga mamsh... ask lng kagaling ko lng s OB ko, pra iparead ang repeat urinalysis. Ung una kong result ay my UTI ako so pinainom nya ako ng antibiotics for 7days 3x a day. Ntpos ko po. Then nag-repeat po ko meron parin po mtaas padin as seen in the picture. So sabi nya po magpa culture urine po ako pra maidentify anong klaseng bcteria ang nrrapat pra sa antibiotics n pwde inumin. Im going 8mos npo by this sept. And nag aalala po ko pra s baby ko kung d mawala tong bacteria ng UTI ko tpos panay antibiotics p ko n iniinom. Anyone can share ur thoughts po same case ko po na nanganak nmn n safe si baby at ngamot naman UTI. Thanks much.
Nako Sis ganyan Ako ngayon last week nag pa lab Ako Kasi hiningan Ako Ng Clinic na pinag chechek upan ko NASA 8-10 lang tapos syempre 1week for treatment diba tapos bigay Ng Gamot Cefalexin ininum ko Naman at natapos ko this week lang August 31 nagpa lab Ako Kasi request nila ulit sa akin tapos while waiting sa result na shock Ako dahil sa bigla Naman Ng tumaas Yung result NASA 30-35 na, ngayon bwesit na bwesit talaga Ako sa clinic na Yun Kasi first time ko magpa check up doon tapos kwento pa Ng mga nagpapa check up Doon Hindi daw maganda Yung clinic na Yun imbes na galing daw Sana Yung mga infection Ng mga buntis eh lumalalaa pa daw. kaya nakapag decide Ako na magpa lab ulit bukas dahil sa Hindi talaga Ako makapaniwala sa ginagawa nila sa akin tapos binigyan pa Ako ulit Ng Gamot ngayon nag aalinlangan pa akong uminom Kasi baka Wala akong UTI tapos inum Ng inum Ng gamot.eh Hindi na nga Ako kumakain Ng mga maalat eh or Yung bawal Kasi nag iingat nga Ako. tapos nag expect pa Naman Ako na mawala na infection ko dahil sa nakapag take na Ako Ng Gamot pero ayun na bigla Ako talaga at bwesit na bwesit sa mga Midwife na Yun na nagbigay sa akin non Ng Gamot Sabi Sabi pa daw nag trigger Yung UTI ko tapos Wala silang OB talaga tinatawagan lang nila kung ano gagawin kaya next check up ko sa Health Center na Ako magpapa check up. dati Kasi Specialist Doctor talaga Siya Ng mga buntis Yung OB ko nong andon pa kami sa Cebu tapos ngayon Dito umuwi kami ulit Dito sa Nueva Ecija tapos para sa akin lang Hindi Matino Yung mga Midwife Dito or Hindi safe Ang buntis Dito kaya next check up ko Bahala na malayo Yung puntahan Namin na OB Basta Ang mahalaga is safe and secure ka at Ang baby mo.
Magbasa paprone daw kasi ang buntis sa uti ganyan din ako ilang beses din nagpaurinalysis nung unang test moderate lang uti ko niresetahan nila ako cefuroxime na pagkamahal haha 1 week ko ininom 2x a day pa 😪 tapos nung nagpaurinalysis ulit ako lalong dumami 🤨so pinarepeat ulit tas ganon pa ren result siguro 3 beses ako nagpaurinalysis nakakastress to the point na kabuwanan ko na nagsuggest sila ng urine culture pero di na umabot kasi nanganak na ako pero may effect kay baby paglabas nya tinurukan sya ng antibiotics for 1 week yung sa kamay nya. Kaya mamsh kung malayo pa edd mo uminom ka buko juice and more tubig wag muna magjunkfoods or colored juice and pinaka importante mamsh wash your private area baka kasi hindi sa ihi ang problema baka sa labas ng private area mo use gynepro betadine wash recommended ng ob.
Magbasa pathank God wala nakong uti pero tutuloy tuloy ko parin yung paginom ng maraming tubig at iwas talaga sa mga bawal
'yan din problem ko before, nito lang mag 4 months ako na clear sa UTI. nagpa urine culture din ako, wala naman daw matigas na ulong bacteria. pinag urine test ulit ako, do not use wet wipes kapag kukuha ng urine, wash with clean water then dry the area as in super dry, tapos mid stream catch, dire-diretso huwag iistop. ayun matik clear na lahat. ayun na clear ako, nung unang tests mid stream catch ako ng urine pero gimagamit ako ng wipes then nagsstop kapag iccatch na, feeling ko mali process ko kaya di ako maclear non sa UTI. more on water din po mamsh.
Magbasa paah okay po. sige ssundin ko po iyan.
same po tayo mi. ilang beses nako nag urine pero matataas pa din ang result ng urine ko hanggang sa hindi nko pinag antibiotics dahil kakatapos ko lang pero ganon pa din result. going 8 months na din ako this sept. ginawa ng OB ko binigay nalang ako ng probiotics and pampakapit kasi nagkakaspotting ako dahil sa taas ng UTI. and bedrest nalang to make it sure. mamaya magpapa urine test ako again to see if bumaba naba. drink water buko juice and cranberry. and iwas po talaga sa coffee and sweet and sa maaalat po
Magbasa panag cranberry po ako minsan lang. then pansin ko nagiging effect nya sakin nawawala paninigas ng tiyan ko and sakit sa balakang po.
Hi sis baka mali din pag collect mo Dapat kalagitnaan ka bg ihi mag collect at bago mag collect maghugas ng mabuti Ganyan din yung akin naka 7 urinalysis ako tapos more than 100 pa yung WBC ko Feeling ko sa pag collect yan kasi mababa naman RBC MO. Tapos nung sakin nung sinunod ko nq yung pag collect biglang bumaba naging 5-8 nalang sabi ng ob ko meron pa kunti pero normal lang daw na may kunting bacteria kasi buntis ako
Magbasa paCEFUROXIME AXETIL pwde for pregnant sis at more water kalang, at sabaw ng buko ganyan ginawa ko den noon naubos ko ung antibiotics ko dinako bumili ulit at nag maintain Lang ako ng tubig at sabaw ng buko at bago ako nabuntis nawala na ung UTI ko. hanggang ngayon 3months pregnant nako pero more² water parin ako at sabaw ng buko para iwas disgrasya. c baby May 1st baby koto 😁
Magbasa patake nyo lang po yung advice ng ob nyo. yung baby ko po healthy naman siya, 1st diagnos ng uti 7 days na antibiotic tapos lalong tumaas yung bacteria up to 90 tpos nagtake ulit ng antibiotic yung powder na isang take lang non nawala na po. tapos bago manganak nag ka uti ulit. kailangan kasi magamot yung uti para d mahawa si baby thru vaginal delivery.
Magbasa pathank you mamsh. 🙏
Ako po nung first time ko nalaman na may UTI ako (pero sabi konting konti lang naman daw) pinainom na nila ako ng antibiotic, then pinag urine test ulit ako tapos meron pa rin sabi sakin inom lang ng madaming tubig at iwasan muna yung maaalat at dapat madalas magpalit ng underwear naka tatlong test ako ng urine at sa last don clear na as in wala na kahit konti.
Magbasa paPagawa mo pa din urine culture mi. Makikita talaga ano nagcacause ng UTI mo. Sakin non e.coli. Kaya nabigyan ako ng proper antibiotics and nawala naman. Tapos change undies as often as you can. Nagbabaon p ko sa office para nakakapag palit ako. Drink more more water. Kahit di na buko mi. Mag tubig ka lang at least 3L a day.
Magbasa payes mi. papaurine culture pdin po ko. thank u po sainyong advice.
don't worry mommy Yung akin dun Sa first baby ko Hindi ren nawala. Pero Kahit Hindi nako uminom ng antibiotic dinadaan ko Sa pag inom ng tubig us in Kada ihi ko Inum ako ng madaming. Hanggang sa manganak ako. safe naman po c baby ang lusog at ang bibo nya ngayon. kaya wag Masyado Mag worry
CS Mum