Hilot

Hi mga mamsh! ? Ask ko lang po kung sino nkaexperience dito magpahilot habang buntis? Safe naman po ba? Kakapahilot ko lang po kasi ngayon. Lagi kasi masakit ang puson ko, kasi mababa nga daw matris ko. Kaya sabi ng MIL ko tsaka ng ibang mga mommy's na nkakakwentuhan ko, mas maganda raw kung maangat matris ko. Kasi kahit dati pa na di ako nabubuntis, mababa po talaga matris ko. Sabi pa ng manghihilot (manghihilot since teenager, now 71 y/o), kulang daw ako sa tubig. And nahulaan nya gender ni baby. ? Sobrang tiwala sa kanya ng MIL ko at mga titas, recommended din ng mga kawork ko. Kaso gusto ko rin malaman yung experience ng ibang mommy's na nkapahilot nung preggy sila.. Btw, 5months preggy po pala ako.. ? PS Gumaan yung pakiramdam ko pagkatapos ko mahilot. Dati kasi parang laging ambigat ng puson ko, parang kareglahin parati.

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

First time mom po ako, tatlong beses napo akong nahilot, nung una 3 months na po pala tiyan ko, kaya lang po talaga ako nagpahilot nun kasi nagtataka napo talaga ako lagi napong sumasakit tiyan ko hinde naako masyadong nakakapag work kasi laging nagkakasakit tiyan ko, kaya sabi ng byenan ko magpahilot daw ako kaya nagpahilot po ako sa byenan ng kasamahan ko po sa work akala ko po nung una kabag lang po yun peru sabi niya po may laman nadaw po yung tiyan ko Tapos pag dating ng Sunday pina check up ako ng partner ko 3 months napo pala akong preggy, Next hilot ko po nung 7 months na ang sabi ng manghihilot maganda daw pwesto ng baby ko Tapus hinilot ulit ako nung 8 months na tiyan ko sabi ng naghilot saken naka pwesto nadaw po yung baby baka daw po mapaaga anak ko tsaka wag din daw ako laging nagbubuhat ng mga mabibigat,

Magbasa pa