ANO ANG DAPAT KONG SUNDIN NA EDD AT KAILAN BA TALAGA NABUO SI BABY?

hello mga mamsh, ano kaya ang dapat kong sundin na EDD? Nov 22 2023 ang aking LMP. via LMP : Aug 29 2024 via first TVS : Sept 1 2024 via 2nd TVS : Aug 27 2024 and sa second na question, LMP ko ay noong Nov 22 2023 na naglast hanggang 26 (take note malakas ito at may buo buo). December 5 2023 unang may nangyari samin ni partner ko at nasundan pa yun ng maraming beses. nag PT ako january 3 at positive ito. nag pa TVS Ako noong January 9 dahil sa bleeding, nakalagay ay 7 weeks and 5 days na si baby. ang tanong, kailan talaga nabuo si baby? pinag dududahan kasi ako ng mga kapatid nya dahil may previous gf si partner for 2-3 years pero hindi nabuntis pero sakin na naging karelasyon lang nya nitong december ay nabuntis na agad. salamat po sa sasagot. #respect_post

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Depende po mi kung alin po pinapasunod ni OB mo sayo like sakin Lmp po pinapasundan sakin pero sabi daw po ng iba mas accurate daw po ang 1st ultrasound na may heartbeat na si baby.

1y ago

Iba din po if hindi sila parehong healthy ng ex niya pag nag-do-do sila kaya hindi sila makabuo. If healthy ka and malakas yung egg cell mo plus natimingan pa na okay yung partner mo e mas may tendency talaga na makabuo kaagad kayo. May mga babaeng mabilis mabuntis and mga mga girls din na hindi.